38th

1.4K 34 15
                                    

"We are reminded that anger doesn't solve anything. It builds nothing but it can destroy everything."
-Thomas S. Monson



38th



Wala kaming oras na inaksaya. Everyone geared up. Nagmamadali kaming bumaba at nakita na mas dumami ang mga pulis sa mansion.

"I will go too," I said to Chanler but he instantly shook his head.

"It's dangerous, Kady,"

"I don't care! Please let me come!" I begged him. Nakita ko naman na lumambot ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Kahit ang mga kapatid ko ay napalingon sa gawi ko habang naghahanda para sa pagpunta namin sa location nila Andra.

Wala akong pakialam kung delikado. I have to be there, I have to see with my own eyes how she was. She can calm down if she sees me. I have to see my baby. And I really have to talk to Celine who's apparently my half sister.

I have to know why she's doing all of this to me, to us, to my family.

"You'll stay in the car," Matigas na sabi ni Chanler sa akin. Tumango naman ako pero hindi ko iyon pinangako. Lalo na kung makikita ko na si Andra.

"Get ready team! Go! Go!" All the geared up men run to their own cars.

Sumakay ang mga kapatid ko sa naunang kotse kasama ang mga bodyguards. Sumunod naman kami nila Chanler at Kuya Iann kasama ang isang police officer na nagmamaneho. We're about four cars and one van. May walkie-talkie sa loob ng bawat sasakyan.

"Approaching!" I heard from the device. It was a thirty minute drive from the mansion. Malapit lang ito at hindi sila nakalayo talaga. Thank God!

Nanginig ang kalamnan ko habang natanaw ang isang abandonadong building. Mayroon itong tatlong palapag. Sira sira at tanging yero lang ang naging bakod pati na ang gate nito.

My daughter has been here for almost fifteen hours! Is she alright? Oh God, I hope she is. Hindi ako mapakali habang tumigil na nang tuluyan ang mga sasakyan sa harap ng building. Lahat sila ay nagbabaan na kahit ang mga kapatid ko ay nakita kong nasa likod ng mga pulis.

"You stay here!" Chanler hissed when I opened the door car. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ako. Nagpumiglas naman ako at tuluyang binuksan ang pinto pero hindi ako bumaba pa.

"Let me come please. P-Please.." My voice trembled as I begged again.

"Damn it," He muttered under his breathe as he closed his eyes. Nagpakawala siya ng ilang malalim na buntonghininga bago tuluyang tumango.

"You will never leave my side," Aniya bago nauna na bumaba. Sumunod ako at sinalubong niya agad ako upang hawakan ang kamay ko nang mahigpit.

I stared at it for a second before my eyes went to his face. A striking pain hit my heart as I looked at him for no reason. Why the hell is this hurting?

I held his hand tightly that made him glance at me.

"We'll get Andra, don't worry,"

His words calmed me down a bit.

Napatingin ako sa mga pulis na pilit na binubuksan ang gate. Nung magtagumpay ay pinasok na nila ito. Napaawang ang bibig ko nung makita si Pierce na kasama ng mga ito. He's still here helping us? Bakit hindi ko ito napansin sa mansion?

"Sa likod lang po namin kayo," Habilin nung pulis na nag-drive sa amin. Sama sama kami ng mga kapatid ko at si Kuya Iann na nasa likod ng mga ito.

Falling IrrevocablyWhere stories live. Discover now