12th

1.6K 30 2
                                    

"Love is a desperate thing,
fierce and ferocious,
capable of consuming a man like invisible fire."©️

12th

Naulit ang dinner namin kinabukasan. Naging preoccupied ako duon kaya hindi napansin na malapit na ang tapos ng deal namin. And that is today! Strategy niya ata iyon. Nakakainis! Hindi na ata siya mapupunta sa akin.

Wala naman siyang Saturday class. Sinabi niya rin sa akin kagabi na wala siya sa penthouse niya ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero pinili ko na lang na huwag pumunta sa duon. I still have the afternoon and night to win the deal.

Halos napatalon ako nung biglang bumukas ang balcony door ko. Nabitawan ko pa ang paintbrush na hawak dahil duon. Tumalsik tuloy ang pintura na galing duon. Hahagilapin ko sana ang mga gamit pang painting ko nung makita kung sino iyon. Thank God it wasn't a family member!

"Ma'am, pinatawag po kayo ni Sir Psalm sa study," It was our maid. Tumango na lamang ako sa kanya kaya tahimik siyang umalis.

I glance back to my canvass. Patapos na iyon kaso natalsikan ng paint mula sa paintbrush nabitawan ko kanina. Yet that clumsiness of mine made my artwork more aesthetic. Parang naging shadow design iyon sa ibabang parte. Sa colar part niya, ni Enzo Chanler.

Yes, my subject is him, I think it's always him. Marami pang nakatago na finish painting ko sa closet na mukha niya, ibat't ibang angles at body position. Parang nakuhanan ng utak ko iyon kaya pinipinta ko.

Hinagilap ko nang tuluyan ang mga painting materials ko. Mahirap na baka makita pa nila Kuya or worst si Mama. Tiyak na ipapatapon niya iyon.

"You're looking for me?" Agad na salubong ko sa kanya pagkapasok ko sa study. Sinenyasan niya akong maupo sa harap niya. Matapos ay may binigay siyang box. I know it's a dress because of the logo outside of it.

"We'll attend a formal even tonight in behalf of our parents,"

What? Formal? Eww! Ayoko, baka makatulog lang ako duon. Tinaasan agad ako ng isang kilay ni Kuya Psalm na para narinig ang mga iniisip ko.

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo," Pinal na sabi niya at lalo pang inisod ang box lalapit sa akin.

Okay. Wala naman akong magagawa. Kinuha ko na lamang ang box at tinalikuran na siya pero bigla akong humarap nung may naalala.

"Will En--" Shit! Muntik na iyon, "...your friends be there too?"

Hindi naman siya nagtaka sa pagtatanong ko. Pero kung si Enzo Chanler lang ang naitanong, lagot na!

"Why are you asking?" Tanong niya at tinaasan ako ng isang kilay. Kinabahan naman ako ng bahagya.

"Gawa ni ano... ni Ria! Hindi ba pinsan niya si Kiuya Tristan? Baka pagpumunta siya, pupunta rin si Ria,"

Ang haba ng explanation. Baka lalo siyang maghinala.

"Tristan left for his masterals, sina Iann at Enzo lang ata ang pupunta,"

Pinigilan kong mapatalon sa sinabi niya. Dahil ngayon na nalaman kong sasama siya ay nabuhayan talaga ako. Kahit kasama mga kapatid ko, gagawa ako ng paraan.

Humanda ka ngayon sa'kin singkit!

"Okay, I'll prep na!" Masayang sabi ko at kinuha na ang box.

I saw how Kuya Psalm shook his head as he chuckled. Natuwa siguro sa pagpayag ko na nng tuluyan na sumama.

Binuksan ko ang box na ibinigay niya pagkapatong ko nito sa kama ko. As expected from my brother, the dress is a bit decent. Not my type. I need to be seductive so I could succeed getting Enzo later.

Falling IrrevocablyWhere stories live. Discover now