40th

2.3K 52 39
                                    

아름다웠던 기억에서 만나
Let's meet in the memories that were once beautiful.

'eight' by IU
Prod.&Ft. SUGA of BTS



40th



"You stupid bitch!"

May isang lalaki ang biglang pumasok mula sa likod ni Celine. May hawak din itong baril pero wala akong pakialam.

"Bakit mo pinatay yung bata?! Bobo ka ba?" At nagtalo pa ang dalawa.

Ginawa ko na itong pagkakataon upang mabilis na tawirin ang pagitan ng katawan ni Andra sa kinatatayuan namin.

"Kady!" Chanler shouted but he stayed in his place.

Narinig ko ang marahas na pagtutok nila ng baril sa akin. Sila, si Celine at ang hindi kilalang lalaki. Yet I seem not care at all. Hawak ko na si Andra. Hawak ko na anak ko. Niyakap ko ito patungo sa akin.

I heard the commotion around me but I didn't care. Pinakiramdaman ko agad ang pulso ni Andra. Nilapit ko rin ang mukha ko sa bibig nito.

She's still breathing! Oh my God! Nawalan lang ito ng malay! My baby Andra...

Nanghihina ang mga tuhod ko pero nagawa kong tumayo habang buhat si Andra.

I then heard a gunshot.

Napatingin ako sa gawi nina Celine. May pulis na bumaril na sa kanya, sa paa lamang kaya napaupo ito. Nabitawan na rin ang baril na hawak niya. Naalarma naman ang lalaking kasama niya.

"Justin Hernandez! Ibaba mo yung baril mo!" The team leader shouted. Pagak na tumawa ang lalaki.

Napako tuloy ako mula sa kinatatayuan ko. But a hand held my arm that took me away from the man immediately. Hindi ito namalayan ng lalaki dahil nakikipag talo ito sa mga pulis.

"Anak ako ng isang Senador! My uncle is the president! Gago ba kayo?! Pag binaril n'yo ako, ipapasibak ko kayo sa mga pwesto n'yo!"

Nanlilisik ang mga mata nito at tinutukan ang lahat ng baril ng salitan. This is how powerful people abuse their rights. Ang lakas ng loob na kahit ang kapulisan ay napapaatras sa mga salita nito. Tinitimbang nila kung babarilin nila ito o hahayaan. Nakakainis. Mga balimbing! Kakampihan nila ito sa sitwasyong nasa peligro ang pamilya ko?

Nilingon ko si Chanler. He instantly caress Andra's hair. His eyes glistered in an impending tears. Ofcourse, sino bang magulang ang hindi maiiyak kung ganito ang sitwasyon ng anak nila?

"She's fine. Nawalan lang ng malay," Sambit ko kaya gumaan ang bigat sa mukha niya.

"Kasalanan mo ito Atty. Del Vecchio!"

Nanigas kaming parehas nung sa amin na tinutok ang baril nito. Humigpit ang hawak ni Chanler sa braso ko habang ako naman ay niyakap lalo ng mahigpit ang anak namin.

Please let us all be safe.

"Sinabi ko sa iyong huwag ipanalo yung kaso! Anong ginawa mong gago ka?! Pinalaya mo iyong hampaslupang iyon tapos ako ang ipapalit mo sa kanya sa kulungan?!"

Napatalon ako sa gulat nung pinutok nito ang baril sa itaas bago itutuok muli sa amin. He just showed that he can fire anytime and he's not joking.

Nagtama ang mga mata namin nitong si Hernandez at ngumisi bigla. Nangilabot ako sa tingin na binigay niya sa akin kahit buhat ko si Andra ay hindi iyon nakatakas sa akin.

Falling IrrevocablyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ