Till it's Time

1.2K 33 1
                                    

Prologue



Nagising ako from my nap inside the car nang maramdaman ang dahan-dahang paghinto nito sa gilid ng kalsadang binabaybay namin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nasa biyahe. Luminga-linga muna ako sa paligid bago nagtatakang tumingin kay Leo, ang personal driver ko, na lumingon din sa akin bago nagsalita.


     "Ah, señorita pasensya na po kung huminto ako. Dadaanan ko lang saglit ang kaibigan ko, mukha kasing nasiraan ng motor. Okay lang po ba?" Tanong niya.


     "Sure." Sagot ko. Saka siya bumaba ng kotse.


     Nilingon ko ang direksiyong tinungo niya and saw him stop in front of the person standing beside a motorcycle several meters away. But since natatakpan ng kaniyang katawan ang sinasabi niyang kaibigan ay hindi ko nakita ang mukha nito. So I just turned away and pick my cellphone up beside me to check if I have any missed calls or new messages.


     Two minutes later ay bumalik si Leo, but this time his friend is with him 'cause I saw two silhouettes on the car's window. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat at bahagyang yumuko habang pakamot-kamot sa ulo at parang may itatanong pero nahihiya lang.


     Tinaasan ko siya ng isang kilay to let him know that he can ask me what he wanted.


     "Ah, señorita pwede po bang sumabay ang kaibigan ko patungo sa may looban? Pauwi na po kasi siya kaya lang nasiraan ng motor eh."


     Tiningnan ko ang babaeng nakatayo sa labas at pilit inaninag ang mukha niya through the window. Papadilim na rin kasi so I can't really see her face clearly. Tanging hugis na lamang ng kanyang katawan at ang naka-ponytail na buhok ang aking na figure out kaya nasabi kong it's a 'she'.


     Inakala naman siguro ng kaibigan ni Leo na hindi ako papayag dahil hindi ko agad nasagot ang tanong niya kaya siya na mismo ang tumanggi sa inialok ng aking driver.


     "Sabi ko naman kasi sa'yo Leo maglalakad na lang ako. Tutal malapit na rin naman ang gate eh."


     Subalit natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita. Kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyan kahit matagal na panahon din kaming hindi nagkita.


     "Althea!"


     Hindi ko sinasadyang masambit nang medyo may kalakasan ang kanyang pangalan dahilan para sila'y matigilan sa pag-uusap at bumaling sa aking gawi.


     "Jade?" Mahinang sambit din niya habang nakakunot ang noo.


     Napangiti ako dahil sa labis na tuwa. Hindi ko in-expect na makikita ko siya agad sa mismong araw nang pagbalik ko here in San Dionisio after almost four years of not seeing her.


     I went out of the car immediately upang yakapin siya dahil sa sobrang excitement na aking nararamdaman, ngunit bago pa man ako makalapit ay humakbang na siya ng paatras kaya hindi ko na naituloy ang nais kong gawin.


     Kunot-noo ko siyang tiningnan at nagulat ako nang makita ang pagdaan ng samo't-saring emosyon sa kaniyang mga mata.


     Unang-una ay ang pagkabigla nang makita ako. Na nasundan ng tuwa at pananabik pero agad ring napalitan ng lungkot at sakit. But, it was all gone before I can even blink at ang tanging naiwan na lamang ay ang emosyong hindi ko inaasahang ipapakita niya sa akin.


     I stood frozen to the spot while trying to seek something else other than anger that I'm seeing right now from her eyes.


     "Huwag."


     Galit niyang sabi saka mabilis na tumalikod. She walked back to her motorcycle na parang walang nangyari.


     Samantalang ako?


     Naiwan akong tulala at hindi alam ang gagawin sa kinatatayuan ko while watching Althea, ang aking lablab, walk away from me.


----------------------------------------


Thank you in advance sa magvo-vote. Okay lang kung ayaw mag-comment. Stay safe everyone. 🙏🌍

Till it's TimeWhere stories live. Discover now