No, it can't go on

468 26 6
                                    

XIX




No, it can't go on



Jade's PoV


Mga malalakas na tawa naming magkakapatid ang maririnig sa kasalukuyan dito sa sala. Inaalala kasi namin ang mga happy memories namin noong mga bata pa kami at tanging paglalaro lamang ang inaatupag.


     "Naalala ko pa dati, ayaw ni Jade na sumali tayo sa bahay-bahayan nila ni Althea dahil gusto niyang sila lang dalawa ang maglaro no'n." Natatawang sabi ni kuya Gab kay kuya Paul.


     Nagkatinginan naman kami ni kuya Paul pagkatapos sabihin ni kuya Gab iyon. "Oo kuya, tapos iiyak siya 'pag pumayag na si Althea na sumali tayo." Pagsakay na lang niya para hindi mahalata nina mommy at kuya na naging uncomfortable ako bigla.


     "Ano ba naman kayo. Huwag niyo ngang pinagkakaisahang asarin 'yang bunso niyo. Baka mamaya magwalk-out na si Jade." Sabi naman ni mommy na may mapaglarong ngiti sa labi. "Ay teka lang. Kamusta na pala si Althea? Doon pa rin ba sila nakatira ng tatay niya sa dating bahay nila?" Parang nanigas naman ako sa aking kinauupuan dahil sa tanong ni mommy. Paano ko ipapaliwanag na ang mga taong kaniyang kinakamusta ay matagal nang hindi nakatira roon dahil sa kagagawan ni dada?


     "Ah, ma. Hindi na po namin alam kung nasaan na si Althea. Pagkatapos po kasing mamatay ng kaniyang ama, bigla rin po siyang hindi na nagpakita sa hacienda." Si kuya Paul ang sumagot no'n habang nakatingin sa akin. Buti na lang at mabilis siyang mag-isip ng mga sasabihin. Namutla naman si mommy at napatingin sa gawi ni kuya Gab.


     "Kailan pa namatay si Felix?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni mommy, parang bigla rin siyang nalungkot sa hindi ko malamang dahilan.


     "Mag-aanim na buwan na po ang nakalipas ma." Sagot ulit ni kuya Paul na nagtaka rin dahil sa naging reaksyon ni mommy.


     "Bakit ma?" Tanong ni kuya Gab nang mapansin niya ang biglang pananahimik nito na parang may malalim na iniisip.


     "Gabriel!"


     Ngunit hindi na nasagot pa ni mommy ang kaniyang tanong dahil biglang dumating si dada at galit na galit na tinawag ang pangalan ni kuya Gabriel kasunod si David.


     Agad kaming napatayo at tumingin kay dada na mabilis na naglakad palapit kay kuya at sinuntok ito. Tumilapon sa sahig si kuya Gab nang matamaan siya ng suntok ni dada.


     "Oscar!" Agad naming nilapitan si kuya at tinulungang makatayo. "Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Galit ding sigaw ni mommy kay dada.


     "Dapat lang na gawin ko sa kaniya 'yan. Akala mo siguro hindi ko malalaman ang mga kagaguhang ginagawa mo kay Pearl?!" Susugurin na naman sana niya si kuya pero hinarang na siya ni mommy kaya hindi siya nakalapit sa amin.


     "Sinabi kong tama na Oscar! Ano ba kasi ang problema? Kararating mo pa nga lang pero agad-agad kang nanununtok nang walang dahilan."


     "Hindi mo ba alam na nakikipagkita pa rin si Gabriel sa dati niyang kasintahan?" Tanong niya kay mommy at ibinaling agad ang tingin kay kuya. "Kasal ka na kay Pearl pero nagawa mo pa ring makipagkita sa babaeng iyon, hindi ka na nahiya. Dinudungisan mo ang pangalan ng pamilyang ito dahil sa kabulastugang ginagawa mo!"


     Wow! Kung makapagsalita ka naman dada. Nagmamalinis ang magaling.


     Nagkatinginan kami ni kuya Paul na nakatayo malapit sa hagdan habang hindi naman sumagot si kuya Gab sa mga paratang ni dada sa kaniya. Bumaling ako ng tingin kay mommy pero nagtaka ako when I saw that she's looking at dada with a blank stare.


Till it's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon