Let me sleep even just for tonight

959 29 7
                                    

I


Let me sleep even just for tonight

Althea's PoV


Lumanghap ako ng sariwang hangin pagdating ko dito sa batis na nasa dulong bahagi ng Hacienda Cecilia, kung saan kami nakatira ni tatay. Mag-aalas nwebe pa lang ng umaga kaya nagpasya akong dumaan muna dito. May usapan kasi kami ni Batchi na pupunta sa bayan dahil araw naman ng Linggo't walang trabaho. Matalik ko siyang kaibigan, pero mamaya na lang ako pupunta sa kanila.


     Humiga ako sa damuhang nasa ilalim ng isa sa mga punong nandito at tumingala sa langit. Ang sarap talaga tumambay sa ganitong klase ng lugar habang umiihip ang sariwang hangin. Hindi lang kasi daloy ng malinis na tubig sa batis ang maririnig mo kundi pati na rin ang huni ng mga ibon sa paligid.


     "Hay . . ." Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko habang komportable lang akong nakahiga. Lagi akong pumupunta dito dahil isa ito sa mga lugar na paborito ko sa bayang aking kinalakihan, ang San Dionisio. Bukod kasi sa kapayapaan na aking nararamdaman tuwing nandito ako, nagagawa ko pang kalimutan kahit panandalian ang mga problema't alalahanin ko sa buhay.


     Ilang saglit lang, nakaramdam ako ng pagka-antok kaya ipinasya kong pumikit sandali upang subukang matulog.


     Mga sampung minuto rin siguro akong nakapikit nang biglang may pumitik sa aking noo. Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Jade na nakaluhod sa aking tabi habang nakabusangot ang mukha.


     Naku!


     Kung kailan nakahanap ako ng panandaliang kapayapaan, siya namang pagdating niya. Tiyak magugulo na naman ang pananahimik ko rito.


     "Sinasabi ko na nga ba't nandito ka lang!" Sigaw niya sa'kin saka hinawakan ang t-shirt ko at hinatak pabangon mula sa mala-paraiso kong higaan.


     Umupo ako't sinubukang tanggalin ang mga kamay niya. Grabe talaga makahawak ang babaeng 'to, sobrang higpit at ang lakas pa. Minsan nga napupunit din ang suot-suot kong damit dahil ito ang hinahablot niya 'pag tumatakbo ako palayo mula sa kaniya.


     "Teka nga lang Jade! Ano na naman ba ang problema mo?" Tsk! Nakakainis naman o. 'Di ba niya nakitang natutulog ako? Saka pa'no niya ako natunton dito? Siguro sinabi sa kaniya ni itay na nandito ako ngayon. Napailing tuloy ako ng ulo. Si tatay talaga o, pinahamak ako ng 'di sinasadya. Pero masisisi ko ba siya? 'Di naman kasi niya alam na iniiwasan ko ang babaeng 'to.


     Napangiwi ako nang bigla akong sikuhin ni Jade sa sikmura. "Aray! Jade ano ba? Sumusobra ka na ha!" Nasigawan ko tuloy siya dahil sa sakit. Hinimas-himas ko ang aking tiyan para mabawasan ang pananakit habang patuloy lang siyang nakatingin ng masama sa'kin at parang walang pakialam kahit sinigawan ko na.


     "Nakakainis ka kasi eh! Pinagtataguan mo na naman ako. Althea, girlfriend mo ako kaya please lang huwag mo akong iwasan o pagtaguan, okay?" Reklamo niyang nakanguso.


     Napatigil ako sa paghihimas sa nananakit kong tiyan nang mapagtanto ko kung anong sinabi niya.


     "Teka, ano bang pinagsasabi mong girlfriend? At saka kailan naging tayo? Sa pagkakaalam ko, 'di kita niligawan kaya pa'no magiging tayo?" Nagtatakang tanong ko. Totoo naman kasing wala akong maalala kung paano naging kami.


     Imbes na sumagot ay inirapan lang niya ako at umupo sa aking tabi mula sa pagkakaluhod sa damuhan.


     "Hay naku Althea. Kung gaano ka kabilis magtago sa akin, siya namang bagal mo pagdating sa ganyang bagay. FYI, hindi mo na ako kailangang ligawan kasi sinagot na kita noon pa. Ayaw ko na kasing pahirapan ka pa so, I decided na tayo na."


Till it's TimeWhere stories live. Discover now