Even if I can't make you mine

534 26 6
                                    

IV




Even if I can't make you mine



Althea's PoV


Patapos na kami sa pagtatrabaho ngayong araw nang dumaan ang matalik kong kaibigang si Batchi sa harap ko at bumulong.


     "Tsong, syota mo o." Pa-simple niyang nguso sa may 'di-kalayuan bago bumalik sa pwesto niya.


     Tiningnan ko ang direksiyong tinuro niya at nakita si Jade na nakatingin din sa aking gawi. Nagkasalubong ang mga mata namin ngunit sandali ko lang siyang pinagmasdan bago nagpatuloy sa aking ginagawa.


     Nagtatrabaho kami ni itay bilang magsasaka dito sa lupaing pagmamay-ari ng pamilya ni Jade. Minsan tumutulong din kami sa pagbubuhat ng mga kailangang i-karga sa truck na mga prutas o gulay na iluluwas sa iba't ibang parte ng bansa. Hindi naman naging hadlang ang pagiging babae namin ni Batchi para pasukin ang ganitong klase ng trabaho dahil kaya naman naming gampanan. Isa pa, gusto kong tulungan si itay sa paghahanap-buhay dahil tumatanda na siya't humihina na ang katawan.


     "Anak, mauna ka na lang umuwi sa bahay kasi pinatawag pa kami ni señor Oscar sa mansiyon." Lumapit si itay sa amin at sinabi 'yon. Napatango naman ako habang naghahanda na para umuwi.


     "Sige 'tay. Ano nga pala ang gusto mong ulam?" Tanong ko muna sa kaniya.


     "Kahit ano anak basta hindi masyadong maalat." Natatawang sabi niya sa'kin. Napangiti rin ako kasi alam kong nagbibiro lang naman siya.


     Isang beses kasi, ang niluto kong ulam ay nasobrahan sa alat. Nasobrahan ko kasi sa paglagay ng asin at nang pinatikman ko kay itay ay mabilis niyang niluwa 'yon. Tinanong ko agad siya kung anong problema pero biniro lang niya ako't sinabing konting asin pa raw kuhang-kuha ko na ang lasa ng dagat. Tawang-tawa rin siya nang makita ang mukha ko nang ako naman ang tumikim. Kaya ang labas eh, de lata ang inulam namin no'ng gabing 'yon.


     Masayahing tao kasi si itay kaya kahit na nakakagawa na ako ng mali o hindi tama, 'di niya magawang pagalitan o paluin ako. Pangangaralan niya lang ako kung anong tama tapos pagsasabihan na 'wag nang umulit. Ayaw daw kasi niyang magkaroon ako ng sama ng loob sa kaniya dahil siya na lang ang meron ako.


     Bata pa lang ako nang iniwan kami ni inay, kaya siya na ang mag-isang nagtaguyod sa'kin mula noon hanggang sa lumaki ako. Kaya nga mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay itay.


     "Sige 'tay, ako na ang bahala sa ulam." Natatawang sagot ko sa kaniya bago nagpaalam at lumapit kay Batchi para sabay na kaming umuwi.


     "O tsong, mag-kwento ka pa tungkol sa date mo kahapon bukod sa kinagat ka ng mga langgam." Pang-aasar niya agad sa'kin habang naglalakad na kami pauwi. Sinuntok ko siya sa braso ng marahan.


     "Baliw ka talaga. Saka wala na akong ikukwento, nasabi ko na yata lahat sa'yo eh." Sagot ko. Nai-kwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa nangyari kahapon sa batis habang kasama ko si Jade.


     "O talaga? Sigurado kang nasabi mo na sa'kin lahat-lahat? Parang may kulang eh no?" Nagpakamot-kamot muna siya sa kaniyang baba na kunwari ay nag-iisip ng malailim bago nagpatuloy. "Wala man lang bang naganap na tukaan na nauwi sa anuhan? 'Yung alam mo na . . ." Taas-baba ang kilay at nakangising tanong niya.


     "Hoy, 'di kami nag anuhan!" Bahagya kong naisigaw ang aking sagot. Pa'no kasi, ang halay ng tanong niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin na parang hindi naniniwala kaya . . . "Oo na. May halikang naganap. Ano masaya ka na?" Dagdag ko na ikinatuwa naman niya.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now