What a chance of a lifetime

397 25 6
                                    

XV




What a chance of a lifetime



Althea's PoV


Nagising ako sa mahihinang boses ng dalawang taong nag-uusap sa may di kalayuan at sinubukan kong tingnan kung saang parte sila naroroon. Ngunit nagtaka ako dahil puro puting kulay lamang ang aking nakikita sa paligid.


     Nasa langit na ba ako?


     "Yes, pero maari pang mapabilis ang kaniyang recovery dahil positive naman ang response ng kaniyang katawan sa mga gamot, within this week maaari na siyang ma-discharge."


     "Thank you, doc."


     Doc? Ibig sabihin nasa ospital ako? Akala ko kasi natuluyan na talaga ako. Sinubukan kong bumangon upang tignan sana ang mukha ng aleng nagsalita.


     "Don't force yourself." Narinig ko ang mga yabag niyang naglalakad palapit sa akin.


     Nasa langit na yata talaga ako.


     May isang napakagandang anghel kasing nakatayo sa gilid ng kama ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mata at mariin akong tinitigan. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Malumanay niyang tanong.


     Napatitig muna ako sa kaniya ng ilang segundo bago sumagot. "Althea." Bumuntong-hininga ako saka nagpatuloy. "Althea Glaiza Guevarra ang buong pangalan ko."


     Nakita kong kumunot ang kaniyang noo pero agad ring nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Hello Althea. I'm Samantha." Pakilala naman niya sa'kin saka ako binigyan ng isang matipid na ngiti.


ⓙ♡ⓐ


     "Napainom mo na ba ang mga gamot ni Althea?"


     "Opo Ms. H." Sagot ng nurse na nag-aalaga sa akin.


     Lumapit sa'kin si Ms. Samantha at umupo sa upuang nasa harapan ko. "Kamusta na ang iyong pakiramdam Althea?" Nakangiti niyang tanong.


     "Ayos lang." Matipid kong sagot at binigyan rin siya ng ngiti. Napakabait niya sa'kin at sa totoo lang, nahihiya na ako sa kaniya. Magdadalawang buwan na rin kasi akong nakalabas ng ospital at ngayon naman ay nagpapagaling ako dito sa bahay niya. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko maiwasang mailang sa kaniyang pagtitig.


     "Alam mo Althea, you really look familiar to me." Sabi niya sa akin.


     Itinaas ko ulit ang aking ulo upang tignan siya. "Talaga?"


     "Yes. Kamukha mo ang bestfriend ko dati. Pero wala na siya eh, matagal na siyang namayapa." Biglang lumungkot ang kaniyang magandang mukha.


     "Ah, gano'n ba. Pasensya na." Sabi ko sa kaniya.


     Ngumiti siyang muli sa akin. "It's okay Althea."


     "Ma'am?" Nilingon ni Samantha ang isa sa mga kasambahay niyang lumapit sa amin. "Excuse me, may tawag po kayo. Si Mr. Richards po." Saka nito iniabot ang telepono sa kaniya.


     "Excuse me Althea. Sagutin ko lang ito." Tumango ako sa kaniya bago siya tumayo at naglakad papasok ng bahay.


     Naiwan ako doon habang pinagmamasdan ang hardin na natataniman ng mga naggagandahan at sari-saring mga bulaklak. Napakalaki ng bahay ni Samantha at napakalawak ng lupang kinatitirikan nito. Marami rin siyang mga kasambahay na nagkalat sa iba't ibang sulok ng bahay at abala sa pang araw-araw na gawain.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now