Moment for moment

443 26 5
                                    

XX




Moment for moment



Althea's PoV


Mabilis akong tumungo sa nursery room nang marinig ang iyak ng sanggol na naroon.


     "Hi Miggy. Kamusta ang tulog ng baby ko?" Kinuha ko siya mula sa loob ng crib at kinarga patungo sa baba habang panay pa rin siya sa pag-iyak.


     "Ayaw tumigil sa pag-iyak?" Lumabas si Cathleen mula sa kwarto namin at nag-prepare ng gatas ni Miggy. "Akin na, gutom na si baby eh. Diba baby ko. Mmm . . ." Inamoy-amoy muna niya ang leeg ni Miggy bago niya ito pinadede.


     Umupo naman ako sa tabi nila at pinagmasdan silang dalawa.


     "Bakit kasi hindi na lang sa tabi natin matulog si Miggy?" Tanong ko kay Cath habang hinihimas-himas ang paa ng baby.


     Sumandal siya sa akin. "Babe, alam mo namang hindi pwedeng itabi ng mga magulang ang mga baby sa higaan nila kasi baka madaganan nila ito." Alam ko naman iyon eh, nagbabakasakali lang at baka makalusot.


     "Eh hindi naman ako masyadong gumagalaw 'pag natutulog ah." Pamimilit ko kahit alam kong hindi pa rin siya papayag.


     "Basta hindi pa rin pwede."


     "Okay."


     "Kapag malaki na si Miggy pwede na natin siyang makatabi sa kama." Kapagkuway sabi niya.


     "Gusto mo lang akong ma-solo eh." Kantiyaw ko sa kaniya na ikinataas ng isa niyang kilay.


     "So what kung gusto kitang ma-solo? Gusto mo naman 'yon." Balik kantiyaw niya sa'kin. Magkasama kasi kaming natutulog sa iisang kwarto ni Cathleen.


     "O, 'wag ka nang magtampo babe. Nagbibiro lang ako."


     Tumayo siya at humarap sa akin habang karga pa rin si Miggy. "O anak mo." Pagkatapos niyang ibigay sa'kin si Miggy ay mabilis itong bumalik sa kwarto namin.


     "Ang bilis mapikon ni mommy no?" Natatawang sabi ko kay Miggy kahit na hindi niya ito maintindihan. Nakatingin lang din siya sa akin kaya hinaplos ko na lang ang kaniyang cute na cute na pisngi. Sarap nga sanang kagatin eh kaya lang lagot ako kay Cathleen 'pag umiyak 'to.


     Walong buwan lang dinala ni Cath sa sinapupunan niya si Miggy. Pero kahit ganoong kinulang siya ng isang buwan, lumabas naman siyang malusog at ngayon heto na siya. Ang laki na niya lalo pa't malapit na siyang mag-birthday. Mag-iisang taon na no'ng siya ay isinilang ni Cathleen sa Laguna.


     Naalala ko pa ang araw na iyon. Isang malakas na sigaw mula sa kwarto niya ang aming narinig kaya kahit nahihirapan akong maglakad ay sinikap kong umakyat at pumasok sa loob no'n. Grabe ang kaba ko nang makitang dinudugo siya kaya agad kong tinawag ang isa sa mga bodyguards ni mama upang humingi ng tulong.


     Agad din siyang dinala ni mama sa pinakamalapit na ospital at doon na lumabas si Miggy. Tuwang-tuwa naman si mama nang makita na niya ang kaniyang unang apo, at nagpasalamat na rin siya sa Diyos dahil hindi nito pinabayaan sina Cath at Miggy.


     "Kaya ikaw Miggy, dapat lumaki kang mabait ha." Nakangiti kong sabi sa baby. "Ang swerte mo pa nga kasi dalawa agad ang nanay mo kaya dapat lagi kang magpapakabait ha." Tumayo na ako at inayos muna ang pagkarga sa kaniya bago siya dinala sa kaniyang kwarto upang patulugin muli.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now