'Cause I can't keep you from wandering 'round my mind

661 25 2
                                    

II




'Cause I can't keep you from wandering 'round my mind



Jade's PoV


Bored kong tinapunan ng tingin ang bestfriend kong si Sally habang busy siyang nanonood sa basketball team ng school namin.


     "Go team!" May pa cheer-cheer pa siyang nalalaman kahit practice pa lang naman ito. Naghahanda kasi sila for their upcoming championship game against it's rival team.


     I check the time on my phone and saw that it's already 3:30 in the afternoon, so I gently nudge her in the shoulder to get her attention.


     "Sal, can we go home now?"


     "Wait lang beshy, hindi ko pa kasi nakitang naglaro si David eh. Nakakainis naman kasi 'yang coach nila. Hindi man lang siya pinapapasok kahit sandali." Reklamo niya habang nakatuon pa rin ang mata sa crush niya.


     Oh my God! Heto na naman po siya sa kaniyang kabaliwan.


     Paano ba naman kasi, ang sinasabi niyang crush ay parang walang alam sa paglalaro ng basketball. Kaya siguro hindi na pinagkaka-abalahang ipasok pa ng coach kahit sa mga practice games. Puro pa-cute lang kasi ang alam gawin tapos ubod pa ng yabang kahit hindi naman gwapo. Tinanggap lang yata siya sa team because his father is one of the owner of this school. For sure, dinaan na lang sa impluwensiya.


     "Sige, kung ayaw mo pang umuwi mauuna na lang ako." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa parking lot.


     "Huh? Wait lang beshy! Sasama na ako!" Lumingon ako at nakita siyang mabilis na dinampot sa katabing upuan ang kaniyang mga gamit saka nagmamadaling sumunod na rin sa akin. "Bakit ka ba kasi nagmamadali eh hindi pa nga tapos ang practice?" Tanong nito habang papasok na kami sa kotseng sundo ko. Sasabay siya sa akin dahil walang susundo sa kaniya ngayong araw. Busy ang dad niya at sira naman ang isa pa nilang kotse kaya idadaan na lang muna namin siya sa bahay nila.


     "Beshy baka hindi mo napapansin past 3pm na, dapat kanina pa ako nakauwi. Ay wait! Hindi mo nga pala talaga mapapansin dahil busy ka sa kakatingin kay David mong hindi naman marunong maglaro ng basketball." I know I'm being harsh right now pero kanina ko pa talaga gustong umuwi. Sumimangot siya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Na-guilty naman ako after I said that kaya humingi agad ako ng paumanhin. "I'm sorry besh."


     Hindi siya kumibo pero wala pang limang segundo ay bigla siyang ngumisi at muling bumaling ng tingin sa akin. "Alam ko na kung bakit ka nagmamadaling umuwi. Kasi," pambibitin nito, "you wanted to see Althea na. Siguro miss na miss mo na si lablab mo ano? Uuy!" Tukso niya sa akin.


     Napangiti naman ako when I heard Althea's name and, okay, I admit na I miss her already. I can't stop thinking about her kahit ilang days pa lang kaming hindi nagkikita.


     Busy kasi ako sa school at wala na akong time para madalaw pa siya kahit nasa loob lang din ng hacienda ang bahay nila. Thursday pa lang ngayon pero may plano na ako para makasama ko siya sa Sunday ng buong araw. I'm going to ask her on a date and I'll make sure na hindi niya ako tatanggihan.


     Pagkatapos naming maihatid si Sally sa kanilang bahay ay dumiretso na kaming umuwi sa hacienda.


ⓙ♡ⓐ


     Kinabukasan, araw ng Friday, napag-desisyunan namin ni Sally na sa morning class lang pumasok at sa hapon ay tatambay na kami sa hacienda.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now