But I love you

392 28 3
                                    

XVII




But I love you



Jade's PoV


Nakahiga na ako sa kama nang makaramdam ng pagka-uhaw kaya lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng tubig sa baba. Nadaanan ko si kuya Paul na nakaupo sa labas at nakatingala sa langit kaya nilapitan ko siya.


     "Kuya Paul?"


     "Jade? Ba't gising ka pa?" He asked when he saw me. It's almost one in the morning na rin kasi.


     I sat down beside him at tumingin din sa kalangitan. "Nauhaw kasi ako. What time ka dumating kanina?" May himig ng pagtatampo kong tanong. Hindi ko na kasi siya masyadong nakikita dito sa bahay ever since umuwi ako last week. Ni hindi na rin namin siya nakakasabay sa hapunan dahil lagi siyang ginagabi ng uwi.


     Pinagmasdan ko siya habang kinakagat-kagat niya ang kaniyang mga labi na parang may gustong ipagtapat sa akin ngunit parang nagdadalawang isip din at the same time kaya umiwas na lang siya ng tingin.


     "May gusto ka bang sabihin kuya?"


     Nanatili muna siyang tahimik ng ilang saglit bago nagsalita. "Nakita ko si Gerald kanina." Nabigla ako when he said that. Gerald was his boyfriend, nai-kwento niya sa akin na nagkahiwalay daw sila nang mahuli sila mismo ni dada sa loob ng kotse dahilan para siya ay ipabugbog nito.


     I studied his face for a little bit ngunit wala akong nakitang kasiyahan man lang na mababakas doon. Pero kahit gano'n pa man, sinubukan ko pa ring pasiyahin ang aking boses when I asked him. "Really? So, how is he kuya?"


     Malungkot ang mukhang nagbaling siya ng tingin sa akin. "May iba na siyang kasama Jade."


     "I'm sorry kuya." That's all I can say. Alam kong nasasaktan siya ngayon. Same lang naman kami ng nararamdaman dahil parehas kaming nawalay sa taong minamahal namin.


     Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Why are you apologizing? Wala ka namang ginawang kasalanan sa akin." Muli siyang tumingala sa langit saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung meron mang taong kailangang humingi ng sorry sa akin, hindi ikaw iyon."


     Hindi na ako sumagot. We just silently sat there habang pinagmamasdan ang mga bituing malayang nagniningning sa kalangitan. 'Buti pa sila, malaya sa itaas.' "Ikaw Jade. Hindi mo ba nami-miss si Althea?" I froze in my seat after I heard his question.


     Althea


ⓙ♡ⓐ


     "Kailan mo naman planong buntisin si Jade?"


     I was walking back towards my bedroom after naming mag-usap ni kuya Paul, nang marinig ko ang boses ni dada mula sa loob ng library.


     "Huwag mong sabihing naduduwag kang galawin ang anak ko David. Tandaan mo, mag-asawa na kayo kaya may karapatan kang gawin ang gusto mo sa kaniya."


     At kausap niya si David. I know it's wrong to listen pero parang may kung anong puwersa ang nagpatigil sa akin upang makinig sa kanilang pinag-uusapan.


     "Hindi naman po sa gano'n pa. Ayaw pa ni Jade ngayon kasi hindi pa naman po kami tapos mag-aral."


     "Eh, baka maunahan ka na naman ng iba niyan."


Till it's TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon