I'll cherish all my life

402 27 0
                                    

XXI




I'll cherish all my life



Jade's PoV


Araw ng kasal ngayon ni kuya Paul at nandito na kaming lahat sa Parish of The Holy Sacrifice kung saan gaganapin ang kasal nila ni Sally. Kanina pa dapat nag-start ang ceremony ngunit hanggang ngayon hindi pa rin dumarating si kuya. Sinubukan na rin namin siyang tawagan ni kuya Gab pero out of coverage ang kaniyang cellphone. I hope he is okay though.


      Nagsisimula na akong kabahan because naalala ko na naman kung paano napunta si kuya Paul sa ganitong sitwayon.


     Last month, tumawag siya sa akin and told me that dada is forcing him to marry my bestfriend. Narinig daw kasi nito na pinag-uusapan nila ni Sally sa mansiyon, ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. He told me that he doesn't want to marry Sally dahil hindi niya ito mahal at ayaw niya itong paasahin dahil masasaktan lang ang bestfriend ko.


     Kaya rin siya umalis ng San Dionisio upang iwasan sila and stayed at our grandparents home in Quezon. Pinuntahan ko siya doon and we talked, I even told him na magsumbong na lang kay mommy, which he had already thought of doing, pero pinagbantaan daw siya ni dada na may gagawing masama kay Gerald 'pag hindi niya pinakasalan si Sally.


     Kung meron lang daw sana siyang maisip na ibang paraan upang hindi matuloy ang kasal ay gagawin niya. He felt so trapped kasi ayaw niyang saktan ni dada ang taong mahal niya kaya pumayag na lang siyang maikasal kay Sally. So here we are.


     "Wala pa rin ba ang kuya mo Jade?" Lumapit si mommy sa akin na hindi mapakali ang mukha habang tinatanong kung dumating na ba si kuya Paul. Thirty minutes na kasi siyang late. Si Sally naman kanina pa dumating at naghihintay na sa loob ng simbahan.


     "Ma, calm down. Darating din si Paul, hintayin na lang po natin." Pag-aassure naman ni kuya Gab at hinagod sa likod si mommy. Mukhang stressed na kasi siya.


     "Baka naman umatras na sa kasal 'yang anak mo Amanda." Biglang sabad ni dada mula sa aming likod kaya napalingon kami sa kaniyang gawi. "Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, isang kahihiyan na naman ang idudulot nito sa pangalan ng pamilya natin."


     Isang matalim na titig ang ipinukol ni mommy kay dada dahil sa binitawan niyang salita. "Hanggang dito ba naman Oscar pangalan at kahihiyan pa rin ng pamilya ang iniisip mo? Ni hindi mo man lang nagawang isipin o mag-alala na baka may nangyari na sa ating anak." Sumbat ni mommy sa kaniya.


     "Ma, tama na please. Jade pakisamahan mo nga si mommy sa loob." Mahinahong sabi ni kuya at agad ko namang iginiya si mom sa loob ng simbahan.


     Ilang minuto rin kaming nakaupo lang sa loob nang makita ko si kuyang may kausap sa kaniyang cellphone. Parang nag-aalala ang kaniyang mukha kaya naisipan kong lapitan siya.


     "Paul sandali, sandali lang. A-andito si Jade kausapin mo, m-mag-usap muna kayo. Kausapin mo muna si bunso please." Natatarantang boses ni kuya ang narinig ko when I reached him kaya nag-alala agad ako. Inabot niya sa akin ang kaniyang cellphone, "Jade kausapin mo si Paul please. P-pigilan mo siya." Nauutal niyang sabi na parang naluluha pa.


     Agad kong kinuha sa kaniyang kamay ang cellphone habang kinakabahang itinuon iyon sa aking tainga. "Kuya Paul?" Garalgal kong sabi dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko. Para kasing may mangyayari na hindi namin magugustuhan.


ⓙ♡ⓐ


     Kakatapos lang ng libing ni kuya Paul nang mag-away sina mommy at dada pagdating namin sa bahay bakasyunan dito sa Quezon. May sinabi kasi si mommy kay dada na tanging sila lang ang nakarinig.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now