I'll be standing waiting till it's time

497 27 3
                                    

V




I'll be standing waiting till it's time



Althea's PoV


Araw ng Sabado ngayon at huling araw ng trabaho namin para sa linggong ito. Nagliligpit na ako ng mga gamit para makauwi nang lumapit sa'kin si Batchi.


     "Tsong, tapos ka na ba diyan? Bilisan mo para makauwi na tayo. Baka mamaya maabutan ka pa ng syota mo." Bigla ko namang naalala na kailangan ko nga palang magmadali.


     Alam niya kasing pinagtataguan ko si Jade dahil sinabi ko sa kaniya noong isang araw ang tungkol sa napag-usapan namin ni itay.


     Minadali ko naman ang pagkilos at niyaya na agad siyang umuwi pagkatapos.


     "Halika na Batch!" Yaya ko.


     "Tsong magtago ka! Paparating si Jade!" Na-aalarmang bulong niya sa tabi ko sabay tulak sa'kin sa likod ng truck na nakaparada sa may gilid.


     Mabilis naman akong tumakbo at nagtago roon.


     Siete! Kinakabahang bulong ko habang sinisigurong hindi ako makikita ni Jade sa pinagtataguan ko. Pati yata ang paghinga ay pinigilan ko na para lang 'di niya ako mahuli. Naririnig ko na rin ang paparating niyang sasakyan.


     "Um . . . Excuse me . . ."


     "Señorita Jade magandang hapon po."


     "Magandang hapon din. Itatanong ko lang sana kung nasaan si Althea? Para kasing nakita ko siyang nakatayo lang dito pero biglang nawala."


     Mataray na tanong niya kay Batchi.


     "Ay! Ka aalis lang po niya señorita. Masakit daw po kasi ang ulo eh, magpapahinga na raw."


     "Ah, gano'n ba? Sige pupuntahan ko na lang siya sa kanila." Narinig kong sabi niya ulit saka pinaharurot na ang kaniyang sasakyan palayo.


     Siniguro ko munang malayo-layo na siya bago lumabas sa aking pinagtataguan. Tumingin ako kay Batchi na pinagpapawisan ng malapot habang nakatingin sa'kin na may nababahalang ekspresyon sa mukha.


     "Tsong! Mukhang may buwanang dalaw ang syota mo ah." Sabi nito sa'kin.


     "Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.


     "Galit na galit eh, kulang na lang may lumabas na usok sa tainga't ilong niya. Tiyak 'pag nakita ka no'n lagot ka." Saka niya pinahiran ang kaniyang pawis sa noo.


     Kung alam mo lang Batch! Naku kung alam mo lang talaga.


     "Samahan mo ako sa batis, 'di muna ako uuwi." Yaya ko sa kaniya at nagsimulang maglakad patungo roon. Magpapalipas lang kami ng isang oras doon tapos uuwi rin. Sigurado kasing maghihintay pa si Jade sa'kin sa bahay kaya tatantiyahin ko na lang ang oras ng aming pag-uwi.


     Sumunod si Batchi sa akin at nagtanong. "Hanggang kailan mo naman planong iwasan si Jade?"


     "Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Bahala na siguro."


     Nanatili na kaming tahimik hanggang narating namin ang batis na medyo papadilim na.


ⓙ♡ⓐ


Till it's TimeWhere stories live. Discover now