When it seems we're not ready to try

444 31 8
                                    

XI




When it seems we're not ready to try



Althea's PoV


     "What's this?" Galit na galit ang ang boses ni Jade habang tinatanong 'yon sa'kin sabay taas ng papel na hawak-hawak niya.


     Hindi ko tuloy alam kung pa'no sasagutin ang kaniyang tanong dahil maliban sa napakaganda niya ngayon, ang seksi pa ng suot niyang bestida. Narinig kong tumikhim siya kaya napayuko ako ng ulo. Nakakahiya, nakatulala na pala ako habang pinagmamasdan siya.


     "Althea, answer me!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Narinig ko ring nilamukos niya ang papel saka binato 'yon sa akin at nalaglag sa aming paanan pero nanatili pa rin akong nakayuko. Hindi ko kasi siya kayang tingnan dahil ayokong makitang umiiyak siya nang dahil sa akin.


     "Did you really think you could hide from me that long? Ha?" Lumapit pa siya ng husto sa akin at pinaghahampas ako kaya napilitan akong yakapin siya upang pigilan ang kaniyang ginagawa.


     "Tama na Jade." Iyon lang ang tanging nasabi ko dahil wala na akong ibang maisip. Bigla siyang kumalas at tinulak ako saka binigyan ng matalim na titig.


     "Tama na?! 'Yon lang ba ang masasabi mo pagkatapos mo akong pagtaguan na naman. What's your problem ba Althea?" Nakita kong may tumulong luha sa magkabilang pisngi niya kaya inangat ko ang aking mga palad para punasan iyon.


     Ngunit mabilis niyang tinapik ang aking kamay kaya hindi natuloy ang sana'y gagawin ko. "Don't touch me!"


     Nakakunot-noo ko siyang pinagmasdan ng ilang segundo bago siya tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. Na-alarma naman ako kaya mabilis ko rin siyang sinundan at niyakap sa bewang upang mapigilan ang kaniyang pag-alis.


     "Jade" Tanging nasambit ko.


     "Let go of me!" Nagngangalit niyang sabi habang pilit na inaalis ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya pero hindi ako nagpatinag. Mas lalo ko pa ngang hinigpitan ang pagkakayakap ko dahil nagsisimula na siyang magwala.


     "Jade sorry, sorry na! Patawarin mo ako Jade!" Matagumpay siyang nakawala sa akin at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan para sana pumasok pero muli ko siyang sinundan at pinigilan.


     "Ngayon hahabol-habol ka?" Galit pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero ang boses niya hindi na masyado. Hinawakan niya ako sa balikat at marahas na tinulak sa kaniyang sasakyan, ni hindi nga ako nakapag-aray man lang dahil sa talim ng pagkakatitig niya sa akin. Muli kaming nagkatitigan ng ilang sandali bago siya nagsalita. "So wala ka talagang sasabihin? Ano? Magsasalita ka ba Althea o hindi? Kasi kung wala ka namang sasabihin, uuwi na ako." Umakma na naman siyang muling papasok sa sasakyan kaya kumilos agad ako.


     Binuhat ko siya at mabilis na dinala papunta sa tagong parte ng daan. Napasigaw naman siya dahil sa gulat at pinaghahampas ako sa likod pero hindi ko na ininda iyon.


     "Althea! Ano ba? Ibaba mo nga ako!" Ba't ba ang ingay ng babaeng 'to? Ibinaba ko na lang siya at inalalayan upang makatayo ng maayos saka niya ako tinalakan na naman. "Anong gagawin mo sa akin ha? Gagahasain mo ako dito tapos iiwan mo at tatakas ka na naman para magtag- Hmp!" Hinalikan ko na lang siya para matahimik na. Kung ano-ano pa kasing sinasabi, ang daming alam.


     Isang malutong na sampal sa mukha ang sumunod na nangyari pagkatapos ng halikan. Letse! Hinimas ko ang kaliwang pisngi ko. Naluha rin ako dahil sa sakit.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now