How could I possibly go on

439 26 2
                                    

XII




How could I possibly go on



Jade's Pov


Me and Althea spent the night inside the hut talking about her plans of going to Manila to look for a new job. Isang oras ko siyang kinumbinsing huwag na lang ituloy ang kaniyang plano, and finally after an hour I was able to convince her not to leave me. Nag-plano na lang kami about sa future namin until we both fell asleep. Ang sarap lang sa pakiramdam na paggising ko kanina ay mukha agad niya ang nasilayan ko.


     Ang po-problemahin ko na lang ngayon ay si dada at kung paano ko siya malulusutan kapag makikipagkita ako kay Althea. I have a feeling na pinapasundan niya ang bawat galaw ko so I have to be more careful.


     Speaking of . . .


     "Good morning po dada." I came home at nadatnan ko siyang nakaupo na naman sa paborito niyang lugar dito sa sala ng mansiyon.


     Inangat niya ang kaniyang ulo mula sa pagbabasa ng newspaper at pinagmasdan ako ng maigi. "Saan ka galing Jade?" Kapagkuway tanong niya.


     Nakaramdam ako ng kaba dahil sa paraan ng pagkakatanong niya no'n. But I kept my cool para hindi siya magduda na ang susunod kong sasabihin ay isang kasinungalingan.


     "Dada hindi ba nagpaalam po ako sa inyo ni mommy yesterday that I'll spend the night at Sally's house?" Sagot ko sa kaniya. I needed to lie to protect Althea, baka kasi kung anong gawin niya kay lablab ko and I can't afford it.


     "Are you sure?" Paninigurado pa niya.


     "Jade?" Buti na lang bumaba na sina mommy at kuya Paul.


     "Good morning po mommy." I kissed her cheek bago binati si kuya.


     "Kararating mo lang ba anak? Kamusta si Susan?" Tanong ni mommy sa akin.


     "Ahm, yes po mom. And tita Sue is doing fine." Sagot ko sa kaniya. Tita Susan is Sally's mom at isa rin siya sa mga close friends ni mommy. Tumingin muli ako kay dada na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang kaniyang mapanuring titig sa akin.


     "Jade, can we talk?" Kuya Paul asked, grabbing my attention.


     "Sure kuya."


     "Ma, akyat po muna kami ni Jade." Paalam ni kuya Paul kay mommy while ignoring dada.


     "Teka Jade, nakapag-breakfast ka na ba?" Pahabol na tanong ni mommy sa akin.


     "Yes mom, kumain po ako bago umalis sa kanila ni Sally."


     "Sige po ma, aakyat na kami ni Jade." Hinatak na ako ni kuya Paul papunta sa loob ng kwarto niya and I noticed na parang nagmamadali siya habang naglalakad.


     Nakakunot-noo naman ako habang pinagmamasdan ang ikinikilos niya na tumingin-tingin muna sa hallway bago isinara at ni-lock ang pinto ng kaniyang kwarto.


     "O-kaaay . . . What's up kuya?" Nawe-weirduhan kong tanong.


     "I just wanna make sure na hindi tayo sinundan ni dada." He answered. Sumandal siya sa harap ng study table niya before crossing his arms on his chest. Umupo naman ako sa kama niya at tiningnan siyang maigi as he took a deep breath and started talking. "I want to know kung kailan pa naging kayo ni Althea?" Hininaan niya ang kaniyang boses when he asked me that. Ang taray, nakataas pa ang isa niyang kilay.


Till it's TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora