Can't let you look into my eyes

478 31 0
                                    

IX




Can't let you look into my eyes



Althea's PoV


     "Althea"


     "Magandang hapon po señor Oscar." Agad akong yumuko pagkatapos batiin ang ama ni Jade nang siya ay lumapit sa kinaroroonan ko. Nandito kasi siya ngayon at naglilibot-libot upang suriin at tingnan ang plantasyon.


     "Kamusta ang pagta-trabaho mo sa hacienda? Hindi ka ba nagpapabaya?" Tanong niya sa akin at bumuga ng usok mula sa hawak niyang, sa pagkakaalam ko ay e-cigarette ang tawag, sa aking harapan kaya napaubo ako ng kaunti.


     Tumikhim rin ako bago nag-angat muli ng aking ulo upang salubungin ang kaniyang tingin, "Ayos lang po saka, hindi ko po pinapabayaan ang aking trabaho señor." Magalang kong sagot at pilit na ngumiti kahit gusto kong umalis na sa harap niya. Nahihilo kasi ako sa amoy ng usok na nakapalibot sa amin.


     Mataman niya akong pinagmasdan habang ako naman ay hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Para kasing may nararamdaman akong kakaiba at hindi tama na mangyayari.


     "Sigurado ka bang trabaho mo lang ang iyong inaatupag at wala nang iba?" Nang-uusig pa niyang tanong muli.


     Pakiramdam ko tuloy para akong nasa isang paglilitis at ginigisa sa sarili kong mantika. Alam na kaya niya na hindi kami naghiwalay ni Jade? Pinagpawisan ako ng malapot sa aking naisip. Huwag naman sana. Ayokong pagalitan niya si Jade at pagbawalan na huwag nang makipagkita sa akin.


     "O, ba't hindi ka na makasagot sa tanong ko? Baka naman totoong may iba ka pang pinagkakaabalahan maliban sa iyong trabaho Althea." Nagulat ako nang magsalita siyang muli.


     "P-po? Wala po akong ibang pinagkakabalahan señor."


     Tiningnan niya ako ng ilang sandali na parang tinatantiya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Hindi na rin ako nakatiis sa nakakailang niyang pagtitig kaya nagpaalam na ako sa kaniya.


     "Ah, señor pasensiya na po pero kailangan ko na pong bumalik sa trabaho." Hindi ko na siya hinintay na sumagot, umalis kaagad ako at lumapit sa mga kasamahan ko pero kahit na nasa malayo na ako, ramdam ko pa rin ang mga titig niya.


ⓙ♡ⓐ


     "Lab?" Nagmulat ako ng mga mata nang marinig ang tinig ni Jade sa labas ng kubo. Nakatulog pala ako habang hinihintay siyang dumating. Pumikit ulit ako at nagkunwaring tulog habang hinihintay siyang makapasok dito sa loob.


     Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman ang paghaplos-haplos niya sa aking pisngi. Bigla kong hinablot ang kaniyang pulo-pulsohan at hinatak siya pabagsak sa aking katawan.


     "Aah!" Sigaw niya dahil sa pagkabigla habang ako nama'y tawang-tawa sa naging reaksiyon niya. "Nakakainis ka talaga!" Sabi niya at pinaghahampas ako.


     "Aray! Lab, nagbibiro lang naman ako ah." Hinuli ko ang kaniyang mga kamay na walang humpay sa panghahampas sa akin at kinabig papalapit upang mayakap ko siya ng mahigpit. "Sorry na lab." Bulong ko sa tainga niya.


     Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa aking katawan bago nagsalita.


     "Okay lang lab, basta promise me you'll never do that again. Nananakit pa naman ako pag nagugulat." Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin para tumingin muli sa mga mata ko. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng kaniyang mga palad sa aking pisngi bago dumukwang para sa isang halik. Tinugon ko iyon at mabilis pa sa sunog na nagkalat ang init na naramdaman ko sa aking buong katawan.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now