And even if I can't have you

567 25 0
                                    

III




And even if I can't have you



Althea's PoV


Naghihintay na ako ng halos isang oras dito sa batis pero hindi pa rin dumarating si Jade. Ngayon kasi ang araw na sinabi niyang puntahan ko raw siya rito. Hindi sana ako sisipot pero pumasok sa isip kong ito na ang tamang oras upang sabihin na kailangan na niyang tumigil. Na dapat tapusin na ang dapat tapusin habang maaga pa dahil walang patutunguhan ang gusto niyang mangyari sa amin. Ipapaintindi ko sa kaniya na hindi kami bagay.


     Dahil mayaman siya, mahirap lang ako . . .


     Na hindi ko siya kayang buhayin. Basta, 'yong mga gano'n.


     Naks! Ang drama ko naman.


     Ba't kasi ang tagal dumating ng babaeng 'yon. Akala ko ba gustong-gusto na niya akong makasama? Ba't nauna pa akong dumating kaysa sa kaniya? Sampung minuto na lang talaga, uuwi na ako 'pag wala pa rin siya. Bahala siya . . .


     Ngunit maya-maya lang ay may narinig na akong ugong ng paparating na sasakyan sa may 'di kalayuan. Lumingon ako at nakitang huminto ito sa gilid ng daan saka bumaba si Jade mula sa loob no'n.


     Sa wakas!


     Dumating din siya pagkatapos akong paghintayin ng pagkatagal-tagal. At may plano pa yata siyang mag picnic dito dahil sa bitbit niyang basket na lalagyan.


     "Hi lablab, buti dumating ka." Bati niya sa'kin.


     Anong buti dumating ka? Ibang klase talaga ang babaeng 'to. Ako pa talaga ang pinalabas na huling dumating.


     Inilapag niya ang kaniyang dala sa damuhan bago lumapit at pinulupot ang mga braso sa aking leeg. Binigyan niya rin ako ng halik sa labi na akala ko'y mabilis lang, pero parang ayaw yata niyang tumigil kaya ako na lang ang lumayo.


     "Jade, pwede ba huwag mong gawin iyan? 'Di ako sanay at baka may makakita sa'tin." Saway ko sa kaniya.


     "So what kung may makakita? Girlfriend naman kita so it's fine." Muli siyang dumukwang para halikan ulit ako ngunit umiwas na ako. Ikinainis naman niya ang aking ginawa kaya ngumuso siya.


     "Ano ba ang problema mo Althea? Huwag mo nga akong iwasan, gusto lang kitang halikan okay? I miss you so much lablab."


     Haynaku, ano ba ang kailangan kong gawin para tigilan na niya ang pagtawag sa'kin ng ganyan. 'Di ko alam na may pagka-jologs pala ang babaeng 'to.


     "Ano bang gusto mong pag-usapan at dito mo pa talaga napiling makipagkita?" Tanong ko kaagad sa kaniya para makauwi na ako. Sinabi ko kasi kay itay na babalik din ako kaagad nang magpaalam akong may pupuntahan lang sandali.


     Imbes na sumagot ay hinila niya ako papunta sa picnic basket na kaniyang dala. May kinuha siyang kumot sa loob niyon at inilapag sa damuhan saka ako pinaupo rito. Isa-isa rin niyang inilabas ang mga pagkain habang tahimik ko lang siyang pinanonood. Nang mailabas na niya lahat ay umupo na rin siya sa tabi ko.


     "Wala. Gusto ko lang makasama ka buong araw." Sagot niya habang busy na sa pagbabalat ng sandwich na baon niya. "Here, take a bite please. I made this sandwich just for you." Inilapit niya iyon sa aking bibig.


    "Akin na, kaya ko naman eh." Kinuha ko ito sa kamay niya dahil nakakahiya naman kung susubuan pa niya ako. Tiningnan ko muna ito bago kumagat ng maliit na piraso. "Masarap nga, salamat ha."


Till it's TimeWhere stories live. Discover now