We'll hold it forever

416 28 3
                                    

XXII




We'll hold it forever



Althea's PoV


Nagulat ako pagkatapos sabihin ni mama na ipapakidnap niya sa amin ni Tommy ang isa sa mga anak ni Oscar, katulong ang mga tauhang ipapadala niya. Kaya pala pinauwi niya kami dito dahil gusto niya kami mismo ang magsagawa no'n.


Nang tinanong ko siya kung bakit kailangan pa niyang gawin 'yon, ang sagot niya lang ay ipaparanas daw niya kay Oscar ang sakit kung paano mawalan ng anak.


Nagdalawang-isip pa ako no'ng una kung susundin ko ba o hindi ang kaniyang gustong gawin dahil parang hindi na rin yata tama. Pero pumasok sa isip ko na si Oscar nga hindi nagdadalawang-isip na manakit ng mga tao, ba't ako hindi? Tinatak ko na lang sa isipan ko na maliit na bagay lang itong gagawin namin kumpara sa mga nagawa, ginagawa at gagawin pa niya sa ibang tao. Hindi naman kami papatay, at hinding-hindi kami bababa sa level niya.


Kahapon lang kami dumating ni Tommy dito sa San Jose kung saan may bahay din sa mama. Dito kami maglalagi upang mabilis naming magawa ang aming pakay pero sa ngayon, uuwi muna ako ng San Dionisio upang dalawin ang puntod ni tatay para sa death anniversary niya.


"Cha, sigurado ka bang ikaw na lang mag-isa ang pupunta sa tatay mo? Baka makita ka ni Oscar." Tanong ni Tommy pagkatapos niyang tignan kung pwede nang gamitin ang kaniyang motor na gagamitin ko. "Pwede kitang samahan."


"Salamat Tom. Mag-iingat na lang ako. Saka malayo naman sa hacienda ang sementeryo kaya sigurado walang makakakita sa'kin ni isang miyembro ng pamilya nila." Kumpiyansa kong sagot sa kaniya.


"Naku, siguraduhin mo lang. Baka kasi mapurnada tayo sa ating gagawin. Alam mo naman, baka masira ang gwapo nating pangalan kay mama." Pabirong sabi niya sa'kin sabay hagod ng buhok niyang mahaba at nakatali. "Mababawasan pa ang pogi points ko sa asawa ko kung sakali."


Natawa ako sa sinabi niya. "Yaan mo, walang makakakita sa'kin. Magaling kaya ako magtago. Saka 'wag kang matakot kay Cathleen, mabangis lang 'yon sa salita pero sa gawa hindi."


"Ako natatakot kay Cathleen? Ha! Hindi kaya." Pag-deny niya.


"Ows?"


"Uy, totoo! Hindi ako takot sa asawa ko." Pag depensa niya sa sarili. Tinapik niya ako ng mahina sa kaliwang balikat ko. "Umalis ka na nga lang, binubuking mo'ko eh." Saka kami tumawa ng malakas.


Simula noong makilala ko si Tommy ay may nabuong malalim na pagkakaibigan sa aming dalawa. Akala ko dati siya 'yong tipo ng tao na mahilig mangolekta ng babae tapos paiiyakin ang mga 'to, ngunit mali pala ako. Nag-judge kaagad ako kahit hindi ko naman kilala ang totoo niyang pagkatao. Saka muntik ko na nga talaga siyang masuntok nang malaman ko na siya si Tommy, ang nang-iwan kay Cathleen.


Isinuot ko na sa aking ulo ang hawak kong helmet at saka sumampa sa motor bago ito pinaandar. "Alis na ako Tom."


"Sige ingat ka."


ⓙ♡ⓐ


Malapit na ako sa puntod ni tatay nang mapansin ang iba't ibang uri ng bulaklak na nandoon at parang kalalagay lang kasi hindi pa lanta ang mga 'yon. Pero ipinagkibit-balikat ko na lang, baka kasi sila ni Batchi ang naglagay no'n dito nang dinalaw nila si itay.


"Tay, kamusta na po kayo?"


Nilinis ko ang paligid ng kaniyang lapida. Nagkalat kasi ang mga tuyong dahon dito. "Pasensya na po kayo kung ngayon lang ulit ako nakadalaw."


Till it's TimeWhere stories live. Discover now