I stopped believing till you came along

380 26 2
                                    

XIV




I stopped believing till you came along



Althea's PoV


Pagbaba ko ng hagdan ay agad na sumenyas ang ama ni Jade sa dalawa niyang bodyguards na lapitan ako. Mabilis naman silang tumalima at marahas akong hinawakan sa braso saka kinaladkad patungo sa kinatatayuan niya.


     "Tsong!" Rinig kong sigaw ni Batchi. Nakita kong may nakahawak na rin sa kaniyang isang lalaki at gano'n din kay Wila.


     "Huwag kang makikialam dito!" Sigaw niya kay Batchi. Ibinaling niya ang tingin sa akin.


     "Nasaan si Jade?" Galit niyang tanong.


     "W-wala po dito si Jade señor -" Hindi ko na natapos ang aking sagot dahil inundayan na niya agad ako ng suntok sa mukha at sikmura na halos ikatumba ko dahil sa sakit kundi lang sa mga tauhan niyang nakahawak sa'kin. Narinig ko rin ang sabay na pagsigaw nina Batchi at Wila.


     "Tsong!"


     "Hoy 'tanda! Tigilan mo 'yang pananakit mo kay Althea, baka nakakalimutan mong babae 'yang pinagbubuhatan mo ng kamay!" Sigaw ni Wila mula sa kaniyang kinatatayuan. Hindi naman ako makalingon dahil sa kamay na nakasabunot sa buhok ko.


     "Wala akong pakialam sa tomboy na 'to." Sabi niya saka inutusan ang mga tao niyang hanapin si Jade. "Halughugin niyo ang buong bahay!"


     "Sinabi ko na sa inyo na wala dito si Jade." Nahihirapan man akong magsalita dahil sa sabog kong bibig ay pinilit ko pa ring sabihin sa kaniya iyon. Hindi na rin ako makakita ng maayos dahil halos sumara na ang isa kong mata ng matamaan niya ito ng kaniyang kamao kanina. Bumalik ang kaniyang mga tauhan pagkatapos ng ginawa nilang paghahanap kay Jade.


     "Sir, wala pong tao sa taas at pati sa mga kwarto natingnan na rin po namin." Sabi no'ng isa.


     "Nilibot din po namin ang buong bahay pero wala po kaming nakitang ibang tao sa paligid sir." Dagdag pa ng isa.


     Binaling muli ni señor ang kaniyang paningin sa akin at nakita kong nanlilisik na ang mga mata niya. "Magtatanong ulit ako Althea kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na kung nasaan ang aking anak bago pa maubos ang pasensya ko."


     Nangako ako kay Jade na aalagaan ko siya't po-protektahan kaya kahit ano pa ang gawin ng ama niya sa akin ngayon, tatanggapin ko ng buong puso 'wag lang masira ang pangako ko. "Pasensya na señor. Pero nangako ako kay Jade na hindi ko sasabihin sa'yo kung nasa'n siya."


     Nakita kong nagpakawala siya ng isang marahas na buntong-hininga. Tumayo rin siya ng matuwid saka humithit sa hawak niyang sigarilyo at ibinuga ang usok sa harap ko. Akala ko ay may sasabihin pa siya matapos niyang ibigay sa isa niyang tauhan ang hawak niyang sigarilyo ngunit nabigla ako nang pa-ulanan niya ako ulit ng mga suntok sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.


     Kahit halos mawalan na ako ng malay ay naririnig ko pa rin ang mga sigaw at pakiusap ng mga kaibigan ko na tigilan na ako ni señor. Subalit parang wala lang itong naririnig dahil patuloy pa rin siya sa panununtok sa akin. Binitawan ako ng mga alalay niya nang tumigil na siya sa pambubugbog sa'kin. Sumubsob ang mukha ko sa sahig at namilipit dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Malamang nagkandabali-bali na siguro ang mga buto-buto ko, dumura rin ako sa sahig ng puro dugo. Hala lagot ako kay Wila. 'Di bale, lilinisin ko na lang 'pag natapos na 'to.


Till it's TimeWhere stories live. Discover now