CHAPTER 1

1.5K 35 5
                                    

"Kamusta ang lakad mo ngayon?"

Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ko kay ate Cecil bago tuluyang pumasok ng bahay at dumiretso sa sofa, kakarating ko lang galing sa pag-apply ng trabaho pero puro tatawagan nalang daw ako.

Panay ang buntong hininga ko dahil pakiramdam ko wala na akong pag-asang makahanap ng trabaho, hindi biro ang pag-aapply at napapalaki na rin ang gastos ko.

Mabuti nalang at mura lang ang bili ko sa bahay na 'to  kung hindi baka nangungupahan lang kami ngayon na mas magpapahirap pa lalo sa akin.

"Hay..huwag ka mawalan ng pag-asa." mahinahong sambit ni ate cil habang inaabot sa akin ang baso na may lamang tubig.

Kinuha ko ang baso ng tubig sa kamay niya at inisang lagok 'yon. "Salamat po."

"Maiwan na muna kita." aniya sabay talikod sa akin.

Pagod na ipinatong ko ang dalawang paa sa center table at bahagyang pumikit.

Hindi ako dapat mawawalan ng pag-asa, dalawang buwan na kami rito sa Parañaque at sa loob ng dalawang buwan wala akong ibang ginawa kundi ang magpasa ng resume sa kung saan-saang kumpanya. Nag-aapply ako bilang sekretarya pero mukhang magagaling ang mga sekretarya rito kaya ang hirap maghanap.

Napabaling ang tingin ko sa telepono ng bigla itong tumunog, pagod na inabot ko ang cord at hinila ang lamesita.

"Hello?"

"Koko?"

"Yeah, ate Rose?" patanong na sagot ko ng mabosesan ang nasa kabilang linya. Siya ang bestfriend ng ate Monina ko kaya palagi kami tinatawagan at kinakamusta. "Kamusta po?"

"Okay naman, siya nga pala kung gusto mo magtrabaho, kung gusto mo lang naman ha, nangangailangan ng secretary si Ma'am Vina ngayon, baka puwedi mong subukan."

"A-ano kasi-"

"Ito na 'yong hinihintay mong pagkakataon, palalampasin mo pa ba?"

Napalunok ako bigla dahil sa kung anu-anong bagay na pumasok sa isipan ko. "P-pero ate nangako ako kay-"

"Wala na ang ate mo, saka mahihirapan ka kapag matagalan kapa sa paghahanap, pansamantala lang naman ito, hanggang wala pang tumatawag sayo tanggapin mo muna 'to."

"Pag-isipan ko po, tatawagan kita-"

"Hay, sige na, sa totoo lang ibinigay ko na kay ma'am ang resume mo, kaya pumunta ka bukas, gusto ka makausap."

"Okay po."

"Good! Kamusta pala ang inaanak ko? Dadaan ako bukas diyan."

"Baka po tulog, kakarating ko lang eh, sige po sabihin ko na dadaan ka, tiyak excited 'yon na makita ka."

"Oh siya bye na, magluluto pa ako ng hapunan, mag-ingat kayo riyan."

"Kayo rin po." tumatangong sagot ko, ibinaba ko ang telepono at muling pumikit. "Ate Mon, pasensiya na po ha, mahihirapan kasi kami ni Xandreon kapag hindi ko patulan 'tong offer ng bestfriend niyo." mahinang bulong ko.

"Mommy!"

Mabilis akong napamulat at napaupo ng maayos ng marinig ang pagwawala ni Xandre sa second floor ng bahay, naririnig ko pang tila may pinagbabatong gamit skasabay ng pag iyak niya.

"Ate Judi! Gusto ko po kay mommy!"

"Huwag na umiyak, tingnan natin baka dumating na ang mommy mo."

Unsettled PastWhere stories live. Discover now