CHAPTER 33

804 31 9
                                    


"That selfish beast!" nanggigil na pinagtatampal ko ang manibela dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. How dare him not letting me explain my side of story!

Ano ang akala niya hindi ako nasasaktan sa pinagsasabi niya? Why it's easy for him to let go? Hindi lang naman siya ang nasasaktan eh.
Mabuti pa ang retokada na 'yon pinakinggan niya, ako 'tong mahal niya ayaw man lang pakinggan ang sasabihin ko.

"Buwisit!" bumuga ako ng hangin at kinuha ang cellphone ko sa bag, galit ako pero kaya kong labanan 'yon, kaya kahit masakit nag-alala pa rin naman ako sa kanya, alam kong kaya niyang sirain ang lahat ng babasagin sa opisina niya lalo na ngayong sa akin nagsimula ang galit niya tiyak mas malala ang gagawin baliw na 'yon.

Mabilis kong tinawagan si tita Eli, kahit papaano siguro may magawa naman siya para pakalmahin ang anak niya.

Kusa ng tumulo ang luha ko ng maalala si Xandre, halos hindi na rin siya makatulog sa excitement at parang kiti-kiti pa nga dahil panay ang takbo at sigaw na magkikita na silang mag-ama.

"Sweetheart?"

Mabilis kog pinahid ang luha ko bago  sinagot si tita Eli.

"Tita-"

"Why are you crying?"

Sumandal ako sa upuan at hinayaan ng dumaloy ang luha ko. Sana nasasama sa daloy nu'n ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sweetheart?"

"P-pakipuntahan naman po si Ardouz sa opisina niya, natatakot po ako sa maaring mangyari sa kanya." mariin kong kinagat ang labi ko na huwag lang mapahagulhol ng iyak dahil sa sari-saring senaryo na maaring mangyari at gagawin ni Ardouz sa sarili niya.

"What happened?" she ask worriedly "Nag-away ba kayo?"

"N-nalaman niya na po kay Marie, ayaw niya naman pong pakinggan ang sasabihin ko, basta po pakipuntahan nalang siya."

Lutang na pinatay ko ang tawag bago muling nagmaneho pauwi, habang palapit ng palapit sa bahay lalong pasikip ng pasikip ang dibdib ko, okay lang sana kung ako lang ang nasasaktan, huwag lang ang anak kong sabik na sabik ng makita ang ama niya.

Nanghihinang ipinarada ko ang kotse sa labas ng bahay at hindi na muna bumosena, ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted, ang hirap pigilan ng luha, ang hirap huminga, ang sikip sa dibdib, kung gaano pala kasarap ang pagmamahal ganu'n din ang sakit ng pagkabigo.

Kung sinubukan ko lang man sanang magkaroon ng boyfriend noon hindi na sana ako nasorpresa sa sakit na bumabalot sa pagkatao ko ngayon. Will it feel the same? O baka naman ganito lang talaga kapag mahal mo ang tao?

Kahit may luhang dumadaloy sa mata matamis pa rin akong napangiti, hindi ko akalaing ang unang lalake sa buhay ko ang siya ring mahal na mahal ko ngayon, first kiss, first sex, first love, first heartache, is this how fate played peoples life and heart?

Mapait akong napangiti.

"If it is, then I'm one lucky of a hell woman." kahit wala na kami at least naranasan ko ang magmahal at mahalin ng kaisang-isang lalake na hinyaan kong pumasok sa buhay ko.

My lips quivered as I saw tita Eli's name on my phone screen, malalim akong bumuntong hininga bago sinagot ang tawag.

"Ho-how is he po?" agad na tanong ko, pakiramdam ko lumulutang ako ngayon sa pinaghalong emosyon na bumabalot sa akin, I am worried sick about him, I really am.

"Maraming salamat iha."

I wipe my eyes and my nose with the tissue as the tears keeps flowing heavily from my eyes, mas lumala pa ngayon ng marinig ang pag-iyak ni tita sa kabilang linya.

Unsettled PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon