CHAPTER 2

1.1K 31 5
                                    

"Koko? Gising ka na oi, baka mahuli ka na sa trabaho mo."

"Gising na po." inaantok na sagot ko kay ate cil, umupo ako sa kama at papungas-pungas na inabot ang salamin ko sa mata na nasa side table. "Si Xandre po?"

"Ayon, naglakad, ikutin daw nila ang street natin, kumain na rin 'yon." bigay imporma niya habang inaayos ang kabilang parte ng kama. "Mag-almusal ka na at lalamig na 'yong pagkain."

Bumaba ako ng kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Bahagya akong napangiti ng makitang mag-alas sais palang. Ayaw ko rin namang alanganin kung gumising dahil masyado ng mabigat ang traffic kapag ganu'ng tanghali na.

Sa dalawang buwan kong pagtatrabaho kina ma'am Vina at wala naman akong naging problema kahit minsan tambak ang trabaho ko, strikta man siya pero mabait naman, naging maayos naman ang lahat.

Pagkatapos maghilamos bumaba muna ako para mag-almusal, nagtimpla lang ako ng black coffee at kumuha ng toasted bread, bitbit ang pagkain lumabas ako ng bahay at inilapag sa porch table ang plato at kape.

Sumandal ako sa upuan at inaantok pa rin na sumimsim ng mainit na kape, gustong-gusto ko talagang dito sa labas kumakain tuwing umaga, ang lamig ng hangin at ang bango pa ng sampaguitang malapit sa kinauupuan ko.

Nakakarelax.

Maya-maya pa nakita ko na sina Xandre at Judi na masayang naghahabulan, mabuti nalang at wala masyadong kotse na dumadaan sa street namin. Kahit maliit na village lang pero maayos naman ang kalakaran ng mga namumuno.

"Magandang umaga po mama!" kumakaway na sigaw ni Xandre ng makita ako, sinenyasan ko silang pumasok muna at baka mamaya hindi na naman ako makapagpaalam sa kanya at guguluhin na naman ako ng tawag sa opisina. "I love you po." nanghahaba ang ngusong nagpakarga siya sa akin sabay kiss sa labi ko. "Ewww coffee!" diring-diri pinunasan niya ang labi niya.

Natatawa namang pinugpog ko siya ng halik sa mukha. "Ang arte mo ha."

Pareho kaming tawa ng tawa dahil nakikiliti siya ng leeg niya naman ang sinunggaban ko.

"Mo-mommy stop!" sumisinghap na inilayo niya ang sarili sa akin. "Bad mommy!"

"Ah ganu'n-" humahagikhik na pinigilan niya ang kamay ko na magkikiliti sana sa tagiliran niya, matamis ang ngiting hinalikan ko siya sa noo ng dumistansya siya sa akin at nag-peace sign.

"Joke po hehehe."

"Papasok na si mommy ha," paalam ko habang pinupunasan ang noo niya, "huwag pasaway kina ate."

"Stay please?" malungkot ang mukhang niyakap niya ako ng mahigpit, "Miss kita palagi mommy, Diba po dapat ang daddy ang nagtatrabaho? Saan po ang daddy ko? Bakit wala po akong daddy? Bakit ang classmate ko meron? Hinahatid pa nga po sila sa school."

Lumipas ang ilang minutong nakatitig lang ako kay Xandre, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, hindi ko inaasahang mapaaga ang pagtanong niya tungkol sa ama niya.

"B-baby-"

"Nasaan po ang daddy ko, mama? Kasama ba siya ng mommy Monina ko?"

"Hindi sila magkasama pero nasa ilalim na rin siya ng lupa, sa malayong lugar na nga lang siya."

"P-pero-"

Mariin akong napapikit ng pumalahaw siya ng iyak, hindi na ako nakagalaw ng bumaba siya at nagwala sa sahig.

"Daddy's alive! You're lying mommy! I want my daddy!" nagsisigaw na pinagtatadyakan niya ang upuan. "He's alive mommy. Diba?" puno ng pagmamakaawang tumingala siya sa akin. Parang kinurot ang puso ko ng makita ang namumuong pag-asa sa mga mata niya habang nakipagtitigan sa akin.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now