CHAPTER 23

791 27 2
                                    


"Koko, anong oras na oh, baka mahuli ka sa birthday ng dati mong boss." pukaw sa akin ni ate Cecil.

"Nakakaasiwa naman kasi 'tong damit na pinadala ni ma'am Divina ate cil eh." malalim akong napabuntong hininga habang pinapasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin.

Tumayo sa tabi ko si ate cil at tiningnan ang suot kong black choked up beaded bandage dress na pinadala ni ma'am Divina para raw suotin ko sa birthday niya, ayoko sanang suotin dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganitong klase ng damit, I do wear fitted dresses but not this, hanggang taas lang ng tuhod at may maiksing slit pa.

"Bagay naman sayo ah, ang sexy sexy mo pa, tingnan mo 'to." napaiktad ako ng hawakan niya ako sa baywang. "Kitang-kita ang kurba ng katawan mo, basta ang ganda-ganda mo lalo, bagay sayo Koko, at ikaw rin baka magtampo ang dati mong boss."

"Mukha tuloy akong attention seeker eh, baka isipin ng mga nandu'n na gusto ko makabingwit ng mayayaman! mga kilalang personalidad pa naman ang mga invited!"

"Tumigil ka nga!" sita niya sa akin. "Kahit anong suotin mo maganda ka pa rin, saka hayaan mo kung ano man ang iisipin nila, ang importante hindi ganu'n ang intensyon mo!"

"Hay, kahit na-"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sunod-sunod na busina sa baba, patay si sir Max na yata.

"Bilisan mo na at sundo mo na yata 'yan." nagmamadaling lumabas siya ng kuwarto ko at hindi na isinara ang pinto.

Malalim akong napabuntong hininga habang inaabot ang black flap channel bag ko na nasa kama, muli akong bumalik sa salamin para tingnan ang sarili sa huling pagkakataon.

My hand travel on the lower part of my right shoulder blade where my small date tattoo is, it's expose now, maliit pero nakakatawag pa rin ng pansin dahil maputi ang balat ko at itim naman ang tattoo.

Bago bumaba hinalikan ko muna si Xandre sa noo, mabuti nalang at tulog na siya, pero nakapagpaalam naman ako sa kanya kanina.

Nasa hagdan na ako ng makasalubong ko si ate cil. "Sa kuwarto na kayo matutulog te cil, baka kina ate Rose ako mamaya magpapalipas ng gabi, uwi nalang ako ng maaga." mas mabuti na 'tong nag-iingat.

"Enjoy Koko, mag-ingat ka ha."

"Sige po, salamat."

Lumabas ako ng bahay bitbit ang regalo ko kay ma'am Vina, agad akong kinabihan ng prenteng nakasandal sa itim na Ferrari si sir Max at matiim na nakatitig sa akin. Hindi na ako nagulat kung gaano siya ka-guwapo ngayon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi siya hangaan, nakatali pa talaga ang buhok niya na nagpadagdag lalo ng lakas ng sex appeal niya. Admiration flaunt in his gray eyes as I stop my track a few steps away from him.

I gulp nervously when he didn't move, he was just gaping on me as if I'm a ghost.

"G-good evening po sir Max." nauutal sa nerbiyos na bati ko sa kanya.

"Who- who are you?" pabulong na tanong niya na ikinangiwi ko, grabe naman sa reaksyon si sir, gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa. Pinasadahan niya pa ulit ako ng tingin bago nagsalita. "I'm so damn proud as your date tonight." he tilted his head. "You're really are a true beauty lil charmer."

"Salamat, ikaw rin po guwapo."  I bite my lips when he stared on me, napaurong pa ako ng haplusin niya ang labi ko. "Si-sir-"

"Why life is so damn unfair?" may bahid ng lungkot at panghihinayang ang boses na ibinaba ang daliri niya na nasa labi ko. I press my lips together avoiding my eyes. "Sana noon pa kita nakilala Olivia."

Unsettled PastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora