CHAPTER 17

822 23 2
                                    


"So, when will you two start preparing the wedding?"

Muli kong tiningnan ang oras sa wristwatch ko at hindi na muna pinansin ang tanong ni tito Lenard, ang ama ni Marie. Nandito kami ngayon sa hotel ko kumakain ng hapunan kasama ang mga magulang niya.

"Next month dad, right hon?" excited na baling ni Marie sa akin, natigilan pa ako ng ilapat niya ang pisngi niya sa balikat ko. F*ck! this is new, bakit ngayon ko lang napansin 'to? I can't feel any urges of emotion of kissing her temple.

There's only one person who invented EXCITEMENT for me, and that is my Koko.

"Hon?"

I give her a questioning glance.

"Dad's asking you." she pouted making me cringe for some reason. I just wish there's no such word DINNER existing if I have them around me.

"Are you okay iho?"

I rolled my tongue on my lips giving a loop-sided smile to tita Marry, Marie's mom. "Yeah, Im good." inabot ko ang wine at inisang lagok 'yon.

"Malalim yata ang iniisip mo Ardouz, negosyo?"

"Sa dami ba naman kasi ng negosyo nitong manunugangin niyo dad." nakangiting turan ni Marie, "can't wait to help him in all of his business, our family and relatives can work there too."

"Inaasahan na ng mga pinsan at tiyuhin mo 'yan anak." tumatangong baling ni tita sa anak nila. "Why giving salary to other people kung puwedi naman ang pamilya ang makinabang, I mean nakatulong ka na sa kaanak mo hindi pa matitikman ng iba ang pera niyo."

"Alam ko mom, kaya ngang gusto ko palitan ang ilang tauhan ng mahal ko once na kasal na kami."

"What do you think iho? Mas okay ang ganu'n diba? May mapagkatiwalaan kayo, dahil kakilala lang ang mga trabahante sa kompanya mo."

"Great." I answered shortly. Kinuha ko ang telepono ko ng maramdamang nagvibrate 'yon, napangiti ako ng makita ang pangalang Margaretha sa screen. "Mauna na ako, hon, tita, tito." nakangiting nakipagkamay ako sa kanila bago hinalikan si Marie sa ulo. "I'll call you tomorrow."

"Hindi pa tayo tapos-"

"I have important meeting with the Montevista's Corporation executives, maybe next time tito."

"Hon-"

"Tomorrow." seryosong turan ko kay Marie, bago tumalikod, naririnig ko pa ang usapan nila na nagpadagdag lang sa galit na nararamdaman ko.

"Basta Marie, ang pangako mo sa mga tito at tita mo na doon magtrabaho sa kompanya niyo."

"O-oo naman dad, don't worry about that, kahit hindi na kayo magtrabaho."

"Okay lang ba si Ardouz?"

"Oo naman my, busy sa trabaho eh, alam mo naman, siguro pagod."

"Sabagay, hay kapag mag-asawa na kayo gusto kong palagi ako pupunta sa mansion niyo, baka mamaya tatanga-tanga lang ang mga maid niyo."

"Subukan nila at mawawalan sila ng trabaho, bayad sila kaya pagtrabahuan nila."

My lips twitch turning into a sweet smile, kahit dismayado sa mga ipinakita nila hindi ko naman maiwasang hindi magdiwang.

I can't believe I once became blind. And thanks to my baby for giving me the best medicine. I can now clearly see what my mom trying to tell me.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now