CHAPTER 25

787 28 3
                                    


Matamis ang ngiting umupo ako sa swivel chair ng makita ang isang stem ng puting rosas na nakapatong  sa ibabaw ng mesa.

Araw-araw ganito palagi ang nabubungaran ko pagdating dito sa opisina, isang tangkay lang na nagpapaganda lalo ng araw ko.

Kahit hindi man siya makapasok dumadaan naman siya dito tuwing gabi para mag-iwan ng bulaklak.

Sa buong buhay ko dito lang ako nakakatanggap ng bulaklak na galing sa lalake, though my lil superman gives me often from our garden but I can't still believe the feeling will be different. Nakakataba ng puso.

Pinulot ko ang tangkay at nakapikit na inamoy 'yon, agad namang sumikdo ang puso ko ng maalala ang pagtatapat niya ng nararamdaman para sa akin. Mahirap man ang sitwasyon namin sa ngayon pero binibigyan niya ng pag-asa ang nakaraang malapit ng tumigil sa panggugulo ng isipan ko.

Pero hanggang ngayon naduduwag pa rin akong sabihin sa kanya ang tungkol kay Xandre, paano kung hindi niya matanggap? Na wala naman talaga siyang pakialam sa nakaraan?

Malalim akong napabuntong hinga at tumayo para magtimpla ng kape, ang matagal ko ng hinihintay na pagkakataon dumating na pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap harapin ang katotohanan.

Mabilis akong lumabas sa kusina ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng telepono.

"Montevis-"

"Olivia."

"Sir Sky? Good morning po."

"Nandito kami ngayon sa bahay mo-"

"Ho?" nanalalaki ang matang napaupo ako. "Bak-"

"He wanna go for a swim with us, don't worry sa bahay ni Max kami pupunta, ibabalik lang namin before five."

"Pero sir." nag-aalinlangang sambit ko. "Baka-"

"Trust us, hindi kami mangingialam sa issue niyo, as an uncle we're just fullfilling our duties that we didn't comply through his life."

"Sige po." natatakot na pagpayag ko, hindi rin naman ako makatanggi dahil ayokong pati sila lalayo na sa akin. Nailayo ko ang telepono ko sa tainga ko ng marinig ang matinis na boses ni Xandre.

"Mama? I will be a good boy po, uncle Max has a really really big swimming pool! It's so cold mama!"

Cold?

"Are you there already?!" malakas ang boses na tanong ko. Wala sa sariling napahilot ako sa sentido ko. Nagpaalam pa!

"Opo mama! Bye po! I love you!"

"Xand-"

"It's Max idea, we will send him home before you know it."

Hindi na ako nakapagsalita pa ng ibaba ni sir Sky ang telepono. The perks of only little boy in new generation. Kinikidnap nalang basta-basta ang anak ko.

Kahit papaano panatag naman ang loob ko dahil alam kong may isang salita din naman sila.

Muli kong hinarap ang trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

"Miss Pagonzaga?"

Mabilis kong itinigil ang pag-aayos ng papeles ng may kumatok, kumunot ang noo ko ng makitang delivery man 'yon at kasama ang guard ng building.

"A-ako po 'yon sir."

"May delivery po para sa inyo ma'am." aniya sabay abot ng isang boquet ng white roses at box ng mamahaling chocolate. "Pakipirma nalang po." wala sa sariling kinuha ko ang papel at pinirmahan 'yon.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now