CHAPTER 26

758 22 3
                                    


Napabalikwas ako ng bangon sa kama ng makita ang balita sa tv. Umusog ako palikod at bahagyang sumandal sa head board ng kama at pinalakasan ang volume ng tv.

"Carl, ano ba ang nangyari? Ano ang update sa nangyari? Bakit daw tinupok ng apoy ng sunod-sunod na araw ang sampung warehouse ng Safe Products Storage?"

Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko sa kabilang unan ko at mabilis na tinawagan si Kato, nasa tv pa rin ang mata ko habang hindi pa sinasagot ang tawag ko.

"Ayon sa BFP Tina wiring ang naging dahilan ng sunog, iisang electrical agency lamang ang umaayos sa wiring ng mga warehouse, nakausap natin ang manager ang sabi wala naman daw kalaban o kaalitan ang may-ari ng Product Storage kaya posible ngang may pagkukulang ang maintenance ng kompanya na ito, mamaya magbibigay ng statement ang kompanya kaya sa ating mga kababayan standby lang muna kayo at hindi tayo pahuhuli sa balitang ito, lalo na hindi lang bastang ilang milyones ang natupok ng apoy, karamihan sa mga nandito mga imported na produkto galing ibang bansa pa."

"Salmat, Carl, sa usapang negosyo naman tayo...The Don Dominador Montevista and his allies in business will start to operate the constructions of Hospitals, Malls and Hotel and resorts in provincess, what's great about this news is that they will recruit their construction workers kung saang lugar mismo sila magpapatayo ng negosyo, in behalf of all the workers I would like to thanks the Montevista Corporation dahil napakalaking tulong nito sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong."

Pinatay ko ang TV at muling tinawagan si Kato, busy na naman ba ang gagong 'yon?

"Fuck you Montevista!" he bursted angrily with rapid and heavy breath.

Hindi ko na pinansin ang galit niya. "Who's responsible of turning the warehouses into-"

"All the Montevista third fucking generation!"

"Thanks man, sorry for disturbing your trip to heaven!"

"Fuck-"

Pinatay ko ang tawag at agad na tinawagan si Phyto.

"What?!" iritabling sagot niya na halatang kakagising lang. "Istorbo kang madapaka! Ano-"

"Bakit niyo pinulbo ang SPS?" interesadong tanong ko.

"Oh that..." he chuckled. "We're not done yet and-"

"Tell me why!" singhal ko sa kanya.

"Ayoko nga, tawagan mo si Max."

Naiinis na sinuntok ko ang kama ng pinatay niya ang tawag, mabilis na tinawagan ko si Maximus.

"What the hell Ardouz?" umuungol sa sakit na sagot niya, halatang kakagising lang din.

"Why did you burn the-"

"Bored kami eh, may itatanong kapa ba?"

Wala mga kuwentang kausap talaga! Sunod na tinawagan ko si Sky. Nakailang tawag din ako bago niya sinagot ang tawag.

"Kung wala kang magawa sa buhay 'wag kang istorbong madapaka-"

"Bakit niyo sinunog ang ware-"

"Hindi kami ang sumunog! Nakiki-tsimis ka na nga lang mali-mali kapa!"

Iritabling binato ko ang isang unan."Sabi ni Kato kayo ang nasa likod nitong-"

"Oo nga! Nasa likod lang kami pero hindi kami ang nagsunog! Packing tape kang-"

"Buwisit!" mabilis akong bumangon at bumaba para kumain na muna, malalaman ko rin ang nangyari mamaya.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now