CHAPTER 20

847 31 4
                                    


"Haaaay, mabuti at hindi sa  skwater ang sunog na 'yan, kung nagkakataon, marami na naman mawawalan ng matutulogan."

Sunog? Bitbit ang bowl na may lamang icecream na lumabas ako ng kusina at pumunta sa sala kung saan sina ate Cecil nanunuod ng balita, kakatapos lang naming maghapunan at nakaugalian na naming manuod ng news pagkatapos nilang maglinis ang pinagkainan namin.

"Ano po 'yan?" tanong ko kay ate Cecil na nakaupo sa mahabang sofa katabi si Judi at parehong kumakain ng icecream.

Bahagya akong nilingon ni Judi. "Nasunog po ang opisina ng logistic company na 'yan ate." turo niya sa lumalagablab na building na nasa tv.

Sumubo ako ng icecream at tahimik lang na nanunuod. Limang palapag din pala ang nasunog na building, sayang din.

"Wiring pala ang dahilan ate cil."

"Hindi talaga safe 'yang mga open wire tapos paikutan lang ng kung anu-ano." umiiling na sambit ni ate cil at binalingan si Judi, "Kaya mas mabuti rin 'yang hindi mo ginagamit ang cp mo habang nagchacharge."

Sabay silang napabaling sa akin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling napangiti ako ng makitang si Ardouz ang tumatawag.
Ibinaba ko ang bowl sa center table bago sinagot ang tawag. Mabuti nalang at tulog na si Xandre.

"Good evening po."

"Indeed  a good evening hearing that soft voice of yours."

I bite my nails trying to control the smile that wanna escape from my lips hearing that longing in his voice.

"Hmmmm...how's your night out with your gang?" alam ko kahapon pa 'yon pero wala na kasi akong mahanap na sasabihin.

"Great, Max handle all the bills, I save more than fifty thou."

My eyes widen with disbelief, fifty thousands for a drink?

"That huge amount? Magkano po ba nagastos niyo?"

"Two hundred thous-"

"Holy shit- ay!" mabilis na tinakpan ko ang bibig ko dahil sa aksidenteng pagmura na 'yon.

"You cursed." he mumble with disbelief.

I nod. "Aksidente lang po." napangiwing pagdadahilan ko. "Nakakagulat naman kasi ang laki ng binayaran ni sir Max, gold yata ang-"

"You really cursed." ulit niya na sa kaparehong tono pa rin, hindi pa ba siya nakarinig ng babaeng nagmumura? "Bad girl."

"A-aksidente lang-"

"I wonder how you curse through tagalog version, do you still use the po word?"

"Hindi po ako nagmumura! Saka kasalanan niyo po kung bakit ganu'n ang nangyari!" nanghahaba ang ngusong pangangatwiran ko. I close my eyes while listening to his laughter. It sounds so sexy, my cheeks heated up as I remember something that I shouldn't do.

"Im just answering you woman, what are you doing anyway?"

"Watching some news, you?"

"Don't ask." he hissed.

Don't ask pala ha. Naiinis na pinatay ko ang tawag at muling tumingin sa tv. I press my lips together seeing the two pal gaping on me. May panunuksong ngiti sa labing  muling ibinalik ni ate Cil ang mata sa tv.

Kasalanan talaga ng baliw na 'yon eh, parang teenager tuloy ako na pinansin ni crush! I jerked up when my phone ring again. Hindi ko nalang sinagot ng makitang siya na naman ang tumatawag.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now