CHAPTER 5

1K 35 3
                                    

"A-ate, masaya ako dahil may trabaho na ako, p-pero ngayon pa-parang gusto ko nalang maghanap ulit ng pagtatrabahuan, kung nakikita mo ang nangyayari sa amin siguradong pareho tayo ng iniisip ngayon..." itinigil ko ang pagkuskos ng puntod ni ate Monina at huminga ng malalim. "Natatakot po ako ate eh, siguro magreresign nalang ako kay ma'am Divina, parang ayoko na sa dati ko pang pinapangarap na mangyari, ngayong nakakakita na ako ng mga senyales bigla nalang ako nakaramdam ng takot at-"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang boses ni Xandre sa likuran ko.

"Mommy, nakikita mo po ang mommy Monina ko? Say hi to her please and tell her I love her too!"

"Okay, baby." nakangiting baling ko sa kanya.

"Thanks mama!" he shouted with a flying kiss towards me. We both giggles when I pretend of catching his kiss and bring it to my lips. "I love you mama."

"Narinig mo 'yon ate? Nakakaproud talaga ang batang 'yan, pilosopo nga lang minsan, mana yata sa akin."

Itinabi ko muna ang brush at naghugas ng kamay, ibabad ko muna sa zonrox ang maduming bahagi ng puntod para mabilis na mamaya kuskusin.

Pagod na umupo ako sa lilim ng puno kung saan naroroon ang picnic blanket namin at mga pagkain, tinapunan ko ng tingin si Xandre na busy sa pagkain ng spicy chicken at spicy fries, ewan ko ba sa batang 'to ang hilig sa maanghang, ang bata-bata pa eh.

"Kain na muna tayo ate Cil." tawag ko kay ate Cecil na nagdadamo sa paligid ng puntod ni ate. "Judi, kain muna tayo." baling ko kay Judi na nakaupo sa tabi ni Xandre habang nagcecellphone.

Nandito kami ngayon sa Tagaytay kung saan nakalibing ang ate Monina ko, tuwing sabado ng hapon kami umuuwi sa luma naming bahay dito at babalik lang ng Parañaque kinabukasan dahil may pasok na ako at si Xandreon pagdating ng Lunes.

"Yummmy!" nakangiting itinaas ni Xandre ang isang chicken wings at pinapakagat sa akin. "Bite mom."

Umiling ako sa kanya kasi hindi ko talaga trip ang maanghang na pagkain. "It's yummy kaya, diba ate?" baling niya kay Judi na kumakain rin ng maanghang na fried chicken.

"Opo, masarap, pero mas masarap 'tong broccolli mo, say ahh baby."

Lahat kami natawa ng ibinuka ni Xandreon ng malaki ang bunganga niya. "And healthy!" napapasuntok pa sa hangin na sigaw niya habang ngumunguya ng gulay.

Malaki na rin ang pasasalamat ko dahil kumakain siya ng gulay kahit piling-pili lang. Ayoko rin naman siyang sanayin sa mga preservatives food at baka lolobo lang siya lalo, isa pa masama rin sa kalusugan ang ganu'n.

"Mamimili ako mamaya ng sariwang gulay doon sa kaibigan ko Koko ha." basag ni ate Cecil sa katahimikan. "Mas okay 'yon kasi walang lason na ginagamit pangspray sa insekto."

"May pambili pa po ba kayo te?"
Tumango siya bago ipinagpatuloy ang pagkain, nilapitan naman ako ni Xandre at sinubuan ng broccolli. "Maaga ka matutulog mamaya, we will hear mass tomorrow, okay?"

"Opo. Tapos punta tayo doon sa park. Diba po?"

Ginulo ko ang buhok niya sabay hila sa kanya paupo sa kandungan ko paharap sa akin. I trace the contour of his face gently, my hand landed on his curly hair. Kasabay ng pagtama ng mga mata namin ay ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko.

Bakit ngayon ko lang napapansin 'to? "B-baby, can you smile for me?"

"Like this?" aniya sabay hawak ng dalawang daliri sa magkabilang gilid ng labi niya. "Or this." nakangiti at kumikindat na sambit niya.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now