CHAPTER 9

885 19 1
                                    


"What happened Judi?" nag-alalang tanong ko kay Judi na nasa entrance ng school, pinatawag ako dito  ngayon  dahil napa-away raw si Xandre, mabuti nalang at nakahanap ako ng alibay kay sir kaya maaga akong naka-uwi.

"Sinuntok po ni Xandre ang isang kaklase niya ate, nasa principal office po sila kasama ang mommy ni Tristan."

"Sige, salamat." lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa opisina ng principal, mabilis na itinulak ko ang pintuan, "Good afternoon po." bati ko sa principal at sa babaeng inaalo ang matabang batang lalake na iyak ng iyak sa kandungan nito, napantastikuhan namang lumapit ako kay Xandre na prenteng naka-pandekuwatro pa habang nagbubuklat ng libro.

"Mama!" seryoso ang mukhang sigaw niya pero hindi naman lumapit sa akin, this is it! Lumalabas talaga ang pagka-aroganteng bata ni Xandre kapag ganitong may kinasasangkutan siyang gulo, kung ang ibang bata na kasing edad niya ay iiyak kapag ganito ang nangyari, siya naman taas pa ang noo na akala mo kung matanda na.

"Mabuti at dumating ka Mrs. Pagonzaga, Xandre punch Tristan." imporma ng principal.

"Naku kapag nalaman 'to ng asawa ko, malalagot talaga kayo!" mataray na banta ng babae na nagpapagting naman sa tainga ko.

"Away bata lang naman siguro 'to ma'am, bakit kailangan niyo pang manakot?" seryoso ang mukhang baling ko sa babae.

"Tristan made me mad mama, he push me twice at the hallway, I warned him." sansala naman ni Xandre na nakatingin sa kaklase niyang umiiyak pa rin. "I didn't started it."

"Ask your son what really happened ma'am." suhestiyon ko, "Hindi na siguro natin kailangan pang magtakutan, we can check the footage on the CCTV too."

"We can settle it here Mrs. Alano," the principal butted in, "Away bata lang ang nangyari, siguro we, as a parent we will just give them advice not to hurt anybody nor bully anyone."

"Pasensiya na, mainit lang siguro ang ulo ni Tristan, kulang sa tulog eh." hinging paumanhin ng ginang. "Sorry kung nakapagsalita ako ng ganu'n, na carried away lang ako."

"It's okay, tama si ma'am." tukoy ko sa principal, "let's not stop reminding them not to bully anyone."

"Excuse me mama!" nakataas ang kamay na tumayo si Xandre. "I never start trouble, I punch who will punch me too."

"Xandre, say sorry to Tristan." malambing na utos ko sa kanya pero umiling lang siya. "Sige na, para hindi na siya iiyak oh."

"Ayoko magsorry mama! It's not my fault! He should be the one who will say sorry!" magkasalubong ang kilay na tumayo siya sa harapan ko. "Im right mama, I will say sorry if I started it."

Oh God Xandreon! Why you have this  mind set at the young age? Binuhat ko siya at tiningnan sa mga mata. "Magsorry ka o magagalit ako sayo? Kahit mali niya hindi mo siya dapat sinaktan, anak!"

"He hurt me too!" magkasalubong pa rin ang kilay na yumakap siya sa akin. "Let's go home mama."

"Not, unless you say sorry." pagmamatigas ko. "Xan-

"Hayaan mo na Mrs., puwera usog pero ang talas mag-isip ng anak niyo, parang matanda na."

Hindi ko alam kung mahiya, mainsulto o matuwa dahil sa narinig.

Matigas lang naman ang ulo ni Xandre kapag alam niyang nasa tama siya, pero parang iba naman ang dating nu'n sa akin, parang lalabas pa na hindi ko kayang disiplinahin ang limang taong gulang na bata.

Unsettled Pastजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें