CHAPTER 21

762 33 4
                                    


Mahina akong napaungol dahil sa hilo na nararamdaman ko, kahit munting galaw lang ng mata pakiramdam ko hinuhulog na ako sa malalim na bangin. Kahit ang talukap ng mga mata ko sobrang bigat din na tila may nakapatong na kung ano.

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari.

Si Xandre!

Nanginginig ang katawan na iminulat ko ang mga mata ko at mabilis na bumaba sa kinahihigaan ko, hindi ko na alintana ang hilo na nararamdaman ko at kung nasaan ako, tanging si Xandre at ang nangyari lang ang laman ng isipan ko ngayon.

Kailangan ko makita ang baby ko, my tears keep falling down without seeing him inside the white room, the tears of fear and nervousness keeps falling as I walk towards the door.

"Wa-walang nangyaring masama sa kanya! Wala!" natatarantang bulong ko. Mabilis na binuksan ko ang pintuan at natigilan ako ng may marinig akong mga boses na nanggaling sa kabilang panig ng kinaroroonan ko.

Maingat na naglakad ako papunta roon at bahagyang sumilip, kung ano ang nararamdaman ko ngayon ay mas dumoble pa ng makita ang mga binatang Montevista na masayang nag-uusap, ngayon ko lang napagtanto na nasa loob kami ng malaking bahay.

Natuon ang mata ko kay sir Rexuz ng makitang uminom siya ng kung ano. "Hindi pala baog ang ga--"

"Words." narinig kong saway ni sir Max sa kanya. "I am expecting from all of you that Ardouz will never heard a single word about this."

"Of course." pagsang-ayon ni sir Phyto. "But don't expect us to do nothing about those madapa-"

"Words nga!" singhal na naman ni sir Roldan sa pinsan niya.

"We can assure you that, but it doesn't mean that we will just stand here when something doesn't turns out right."

Tumango si sir Max, "Ngayon hindi lang isa kundi marami na ang dudurog sa gagong-"

"Bad ka po!"

Napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ni Xandre. Okay lang siya? Nanghihinang sumandal ako sa dingding at kumapit ng mahigpit doon. Maraming salamat po Lord. Mabilis na pinahid ko ang luha ko at hahakbang na sana ng marinig ulit ang boses ni sir Roldan.

"Bad talaga 'yang uncle mo na 'yan baby-"

"Are you really all my uncles?" seryosong tanong ni Xandre.

"Sa guwapo naming 'to may pagdududa ka pa-"

"You're freaking talking to five years old Sky!"

"Shut it Rexuz, katawan lang ang bata sa kanya. Naalala mo ba ang sinabi niya kanina?"

"That- Touch me and you'll be dead.?"

"Yeah and that- I maybe small but I have my ways to escape from all of you and save my mama."

Oh God, Xandre. Pati ang mga tiyuhin hindi pa pinalagpas.

"He has our blood after all." matiim ang titig na sagot ni sir Max. "Pero hayaan nating sila ang umayos ng problema nila, we already know when to interfere."

"That bastard is indeed luck-  Roldan!" bulyaw ni sir Phyto sa pinsan ng batukan siya nito.

"If I see my dad, I will tell him to beat all of you, kanina pa po badwords ng badwords, bad po-"

"Xa-xandre." anas ko na nagpatingin sa kanila sa direksyon ko.

"Mama!" nakangiti pero lumuluha ang matang tumakbo si Xandre papunta sa akin. Lumuhod ako at tumutulo ang luhang niyakap siya ng mahigpit. "Are you okay now?"

Unsettled PastWhere stories live. Discover now