CHAPTER 38

1.1K 33 20
                                    


"Ate..." mabilis ko na pinunasan ang luha ng kasiyahan sa mga mata ko. "Sorry po, palagi nalang akong umiiyak kapag binibisita kita, pero ngayon po luha na ng kasiyahan 'tong nakikita mo." nanginginig ang kamay na hinaplos ko ang puntod niya. "Sob- sobrang saya ko po na okay na ang lahat ngayon, sobrang gaan na po ng pakiramdam ko, kompleto na po kami ate, may ama at ina na si Xandre, sobrang saya niya po ngayon, halos hindi na nga po makatulog dahil palagi nalang nakayakap sa ama niya, ayaw na nga ring pumasok at baka raw wala na naman siyang uwian na ama, bahala na ate, hindi ko na muna siya pinapasok kasi gusto ko pong makabawi na silang dalawa sa anim na taong hindi sila nagkasama."

Huminga ako ng malalim para madaanan ulit ng hangin ang lalamunan ko. "Pangako po na ibigay ko ang lahat ng pagmamahal ko bilang ina at bilang asawa sa kanila, maraming salamat po sa lahat ha, mahal na mahal kita ate, sobrang miss na po kita, saka natuto na rin po akong lumaban ate," sunod-sunod na pagpunas ng luha ang ginawa ko ng hindi na 'yon tumigil kakalabas sa mga mata ko.

"Apat na buwan nalang, magpapakasal na po kami, pe-pero-" impit akong napahagulhol. "P-pero wala pong pa-pamilya ko na- na ma-maghahatid sa akin sa-sa a-altar, ma-masaya akong ma-magpapakasal na kami ng mahal ko pero sa- sa tuwing pumapasok po sa- sa isipan kong wa-walang magha-hatid sa akin sa altar parang tinutusok po ng punyal ang puso ko sa sobrang sakit ate, kaya pangako pong mananatiling buo ang pamilya ko, ayoko pong ma-maranasan nila ang naranasan ko." nanlalabo ang matang niyakap ko ang puntod niya.

"A-ate, i-ihahatid mo po a-ako ha, hi-hindi man po kita na-nakikita, ma-magkunwari nalang po a-akong na-nasa ta-tabi kita sa a-araw na 'yon at ma-masayang iha-ihahatid ako sa altar at-" luhaang napalingon ako g may mainit na kamay na humahaplos sa likod ko. "Baby." umiiyak na anas ko ng makita si Ardouz.

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit na nagpaiyak lang lalo sa akin. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ibinuhos ng ibinuhos ang luha ko, ang isiping 'yon ang nagpapaiyak sa akin, pero susubukan kong kalmahin ang sarili ko sa tuwing sasagi sa isipan ko 'yon.

"Hmmmm is that a happy tears, mahal ko?" nababahalang bulong niya sa ulo ko. "Happy tears or not it's suffocating me, but I understand you, dito lang ako palagi para sayo, para sa pamilya natin."

"Mama? Are you okay po?" naririnig kong tanong ni Xandre. "Mama tama na po ang iyak, before, I thought you don't know how to cry po, bakit ngayon mama palagi po kayong umiiyak? Your tears tighten my chest po, I can't breath."

"Okay lang si mama baby, miss na miss niya lang ang mommy Monina mo."

"Okay po papa, kiss ko nalang po si mama." I squeeze Ardouz back as I feel Xandre's lips on my hair. "Stop na po mama ha."

"I- I will baby." tumatangong tugon ko.

"Papa!" napa-angat ako ng tingin at tiningnan si Xandre na parang koala kung makakapit sa likod ng ama niya. Tumingala ako kay Ardouz na masuyong ngiti sa mga labi habang hinihigpitan ang pagyakap sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang yakap-yakap ko na ang lalakeng pinangarap ko at lalakeng ama anak ko.

Dahil sa bugso ng nararamdaman kinagat ko siya sa dibdib at nanggigil na niyakap pa siya ng mas mahigpit.

Si Xandre naman wala na sa likod niya at ng tingnan ko ang paligid nakita ko nalang siyang nanghuhuli ng tutubi kasama ang ilan sa mga bodyguards niya na tuwang-tuwa pa habang nanghuhuli.

I took a deep breath remembering Marie, the boys did threatened them to be part of that kidnapping, sa ngayon bumalik na siya sa pagmomodelo at ang lalakeng kasama niya naman bumalik na rin sa pagnenegosyo at nangakong hindi na gagawa ng kahit anong hakbang laban sa amin at alam niya naman ang mangyayari sa kanya dahil may mga tao pa ring nakamanman sa bawat galaw nila.

Unsettled PastWhere stories live. Discover now