Prologue

1.1K 279 164
                                    

Isang nakakasilaw na liwanag ang makikita sa isang tahimik na gabi at bumulusok ito sa gawing gubat ng isang baryo. Tulog na ang lahat ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakita noon.



Makikita ang isang makisig na lalaking nakaputi at may kalasag na kulay pilak Napakaganda ng kanyang maamong mukha na nagpapaliwanag sa madilim na gabi. Nagliliyab din ang kanyang mapungay at maamong mata na parang araw. Umuumbok sa laki at lakas ang kanyang braso at paa. At higit sa lahat sobrang laki at kumikinang ang kanyang malalaking puting pakpak sa kanyang likuran na sumasayad pa sa lupa. Mapapansin na may dala-dala siyang bata sa kanang braso nito.




"Hanggang dito na lang ako. Hindi na kita pwedeng ihatid sa mag-aalaga sayo munting anghel. Papagalitan ako ng Panginoon pag hindi ko sinunod ang utos niya. Hanggang sa muli at nawa'y magtagumpay ka sa misyon mo."




Marahan niyang inilapag ang sanggol sa isang maayos na damuhan na kung saan ay maaring may makakita sa kanya. Umiyak na ang bata at muling sinulyapan ito ng lalaki bago lumipad ng sobrang bilis na may nakakasilaw na liwanag sa kalangitan.




Sa kabilang banda naman...




"Ano ba naman 'to? Wala na tayong masakyan. Gabing gabi na." Reklamo ng isang dalaga sa may gilid ng kalsada. Pauwi na kase ito at maghahating gabi na, pero wala pa rin silang masakyan.




"Ano ka ba ate Amara? Alam mo namang gabi na eh tsaka hello, nasa baryo tayo. What do you expect gising pa sila? Tara na maglakad." Aya ng pinsan niyang si Bingbing.




Napagdesiyunan na lang nila na maglakad ng pitong kilometro papasok sa baryo Bay-Ang. Isang baryo sa bayan ng Batanya. Hindi pa naayos ang kalsada dito at medyo maalikabok ang daan. Kaya todo reklamo silang dalawa. Kakagaling kase nila sa isang reunion sa Boracay at gabi na sila nakauwi.




"Ansakit na ng binti ko. Nakakapagod. Wala ka bang dalang tsinelas dyan?" Tanong ni Amara sa pinsan niya. Napailing lamang ang ito.




"Malapit na tayo ate. Konting tiis lang" napangiti na lang silang dalawa at nagharutan sa daan. Hanggang sa may narinig silang iyak ng bata malapit sa isang gubat.



"Tingnan natin Bingbing! Hala! Baby nga! At ang ganda2x naman nito." Kinuha agad ni Amara ang bata at hinele hele sa kanyang braso.




"Naku baka iniwan ng ina niya. Ireport natin sa pulis." Suhestyon ng pinsan niya.




"Huwag. Parang may naguudyok sakin na ampunin siya. Tara na. Baka may makakita pa satin. Sasabihin ko na lang kay nanay."




Dismaya man ang kanyang pinsan sa desisyon ay umuwi sila. Magaan ang pakiramdam ng nanay ni Amara sa bata at ganon din ang nga kapatid nito.




Sa susunod na linggo na ang kanyang kasal sa ipinagkasundo sa kanya. Labag man sa kanyang kalooban ay wala siyang magagawa dahil sa panahon noon sa kanilang baryo ay laging nasusunod ang kanyang ina sapagkat ito ay isang mabuti at matalinong matanda.




"Hay baby, buti na lang dumating ka sa buhay ko. Buti at tanggap ka rin ng magiging ama mo. Aba syempre subukan niya lang magalit babanatan ko siya. Buti lang talaga walang naghanap sayo kahit nireport ka ni Bingbing sa kapulisan at syempre approve na adoption papers ko sayo. Parang kaitsura mo pa nga ako oh. Sa ilong lang tayo hindi." Kandong- kandong niya ang bata habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan sa gabi. Maglilimang araw na sa kanya ang bata bago siya ikasal.




Sa kabilang dako...




"Nakababa na po siya Panginoon." Nakayuko ang kanyang kampon pagkasabi nito.




"Bantayan niyo siya. Hindi siya pwedeng makabalik ulit sa Kanya sa takdang panahon." Habang iniinom ang kanyang kopita na may alak.




"Masusunod po." At umalis ang dyablong simbilis ng bampira.






~~~~~

So how's that? Ok naman ba? Comment and vote na lang guys. Thank you for reading!

PS. OMG ngayon ko lang napansin epilogue nakalagay jusko sensya na 😂

Archangel Gabriel at the Multimedia 😍

Prexildome

Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now