Chapter 17:Heedful to Jeopardy

291 182 87
                                    

Dedicated to Thescientistbio thank you for voting po. Pasasalamat ko say'o. Keep writing too ❤😊

MIA'S POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung anong trip ni Ma'am Sandy pero ayaw niyang mag-aattend kami ng mga programs at activities sa venue. Ano naman kaya ang matututunan namin kung puro pamamasyal lang pala ang gagawin dito? Babalik lang kami kapag oras na ng breakfast, lunch at dinner.




"Guys, let's go to the Diplomat Hotel. Bilisan niyo, hayaan niyo na iyang mga programs, I know naman na nababagot na kayong lahat." Well of course mas pipiliin talaga ng ibang mga members na sumunod kay Ma'am Sandy, after all kaya lang sumama yung iba dito kase para makapasyal hindi ba?





Sumakay na kami ng taxi. Dalawang taxi actually, kahit bawal yung lima or anim ay nakasakay pa rin naman kami kase binigyan ni Ma'am ng extra tips ang mga drivers.




Habang papalapit ay palakas ng palakas ang nararamdaman kong negative energies sa lugar na iyon. There are a lot of demons stuck in the hotel. Huwag lang sanang gumawa ng hakbang ang limang mokong na kasama ko. Nasa kabilang taxi kami while my team is with Ma'am Sandy.




Pagkababa namin sa taxi ay agad akong hinigit ni Kylo sa side niya. Malakas ang pagkakatama ko sa kanyang matigas na dibdib kaya napabusangot ako dito. Ano ba akala niya sakin, aso na may leash? Hampasin ko kaya 'to ng semento.




"You look pissed Mia." Napangiti ng nakakaloko si Leander, siya kase nakakita nun at napa aww siya with matching takip sa bibig sabay pigil ng tawa.




"Shut up, masapian ka sana ng mga impakto at demonyo dyan." Padabog akong nauna sa kanila pero agad naman silang sumunod sa likuran ko. Magdusa kayo! Sana maging demonyo na rin kayo, nakakainis, sumunod pa kase eh mang-aasar lang ang gagawin nila.




"Don't go far from us. Malalakas ang nararamdaman naming mga demons dito. Just stick to us." Bakit ko pa kase kailangang itago ang identity ko gayong kaya ko naman silang labanan, I mean the demons. GA frowned at me. Isa pa 'to eh pahamak kagabe.




"So guys, huwag kayong masyadong maglibot libot sa hotel, baka mamaya sumama sa inyo yung mga kaluluwang ligaw dyan. The tour guide will help us so please listen carefully as to what instructions he will say."




Agad kaming nakinig sa sinabi ni Ma'am Sandy. Babalik ako mamaya para paalisin ang mga demonyo dito. Meron pang mga kaluluwa na nakatali din sa lugar na 'to dahil na rin sa mga demons na pinapahirapan sila because of what they did in the past. Napakabigat naman ng atmosphere.




"Odette! Sir Roziel, Ma'am Sandy! May nangyayari kay Odette!" napalingon kami sa sumigaw na si Winder. Nakita kong nangisay si Odette sa sahig and the demon has occupied her body. Tsk, traydor! Mukhang mapapaaga pa yata ang pagpapalayas ko sa kanila.


Her Secret Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon