Chapter 30: Lotus

100 50 5
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"So, what's your name?" I asked my so called partner after a long hour of silence here in the middle of the woods. Mabilis kaming nagtatalon para hanapin ang uncle ko pero sad to say wala pa rin kaming mahagilap. Mautak pala siya, sabagay pinapangarap niya ang posisyon ng pinatay kong demonyong tamad. Tss...




"It's Saviel, my queen." Maikli niyang sagot at patuloy lamang sa kanyang ginagawang pagmamatyag sa paligid. Ano ba naman 'tong pinadala ni GA! Napakaboring!




"Do you have any idea kung nasaan ang uncle ko? Wala ba silang binigay na idea man lang para mapabilis ang misyon natin?" hindi na niya ako sinagot. Great. May pagkasuplado din naman ang isang 'to.




"I'm sorry for being a silent one, your highness. GA has sent information in my head that your half demon uncle is in the city right now. We need to teleport immediately if you want to see him." That was his longest line he could say. Salamat naman kung ganoon. Hinawakan ko na siya at agad kaming nagteleport.




Nagulat ako sa isang malaking night club na pinuntahan namin. Maliit lang naman ang city dito and I know all the clubs and bars out here. Ngayon ko lang nakita ito. Dinama ko ang buong paligid and I can sense the demons around in this area. Nilibot ko ang aking paningin. I saw people talking to demons unknowingly. Iyong iba inaakit pa para makagawa ng hindi maganda! This is digusting.




"Be ready Saviel. We're going in." kagaad namang inayos ni Saviel ang kanyang sarili. Well, how do I describe my partner? Hindi ko pa pala nasabi sa inyo. For sure pagnanasaan niyo rin siya kaya parang ayoko na idescribe. Okay fine! Namimilit kayo eh. He's gorgeous, he has really a face of an angel. White skin na kutis babae, malambot na kamay. Don't get me wrong guys, hinawakan ko siya kanina noong nagteleport kami. Walang pagnanasa doon. Chinito at mapungay na mga mata, matangos na ilong at 5'11 na height. Hiyang hiya naman ako sa height kong 5'2 pero at least maganda. K bye!




Agad naman kaming pinapasok ng mga naglalakihang bouncer sa entrance ng club. I nullified our presence para hindi nila malaman na may mga anghel na sumusubaybay sa kanila. Nakakasilaw ang mga ilaw na pumapalibot sa paligid. Nagiiba iba ito kaya medyo nahihilo ako ng kaunti dahil doon. Nakaalalay naman sa'kin sa likuran si Saviel na seryosong nagmamatyag sa paligid namin.




People are going crazy while dancing on the dance floor. Iyong ibang mga babae nasa taas na ng stage at halos kita na ang kaluluwa. Naglalaway naman ang ibang mga kalalakihan sa kanilang ginagawa. I can hear all their dirty thoughts kaya sinara ko muna iyon. This place is stinking with lots of sins. I'm sorry Lord, hindi talaga nila alam ang kanilang ginagawa. Sana naman pagdating ng judgement day ay mapatawad mo silang lahat.




Napaiwas ako ng direksyon ng mapansin kong may mga nagme-make out, naghahalikan sa gilid with their opposite sex, same sex and so on. Other people just puke there and everywhere. Heto ba talaga ang nagpapasaya sa mga tao? Ang makitang pinapahiya ang kanilang sarili sa lipunan? Paano na lang kung may makakita sa kanila tapos ipost sila sa social media or whatever it is! Gosh, I need to shut down this entire place for good!




"Queen, calm down. Nararamdaman ko na naman ang matindi mong emosyon. Makakaagaw ka ng atensyon sa ginagawa mo." Bulong sakin ni Saviel. Napayuko na lamang ako. Ano ba Mia?! Kailan ka ba magbabago sa pag-uugali mo?!




"Stop. Where do you think you are heading to? VVIP lang ang pwedeng pumasok dito. Do you have invitations?" wika ng isang bouncer na nakatokang magbantay sa hagdan patungo sa second floor. Kagaad ko siyang sinikmuraan at hinila siya ni Saviel sa likurang bahagi ng club kung saan hindi halata. Pasimple kaming pumunta sa taas.




Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now