Chapter 7: Enchanted

355 198 119
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

Nagbukas ako ng laptop namin. First time kong magbukas ng facebook. Ginawan kase ako ng tita dati ni Arneya nung okay pa kami. Tsaka nung nasa elementary pa kami eh close na close talaga kaming dalawa. Napabuntong hininga na lang ako.





Andaming nag add sakin na hindi ko naman kilala. Tapos ang malupit pa eh mga taga Thailand pa daw. Naaliw ako kakachat sa kanila. Then napansin ko na online si Arneya. Gusto ko siyang kausapin. Ayoko naman kase na nagagalit siya ng ganito. Hindi naman kami ganito dati eh.





"Hi Arneya. Kumusta summer mo? Saan ka nagbakasyon?" una kong chat sa kanya. Agad naman siyang reply.





"Okay naman and nasa Bohol kami now. Ikaw? Kumusta kayo ng mga best friends mo? I'm sure nagagala na naman kayong tatlo." Maayos naman pala siyang kausap eh.





"Hindi. Minsan lang naman kami magkita ng mga yun eh. Baka may summer job sila ngayon kesa puro sa bahay lang naman at napakaboring." itatanong ko na nga.





"Alam mo na ba yung pinatawag si Mama at si Ma'am Merlyn?" I asked her.





"Ah, iyon ba? Wala naman sakin yun. Good sports tayo eh. 🙂" so sincere naman pala siya.





Ganito kase yun. Pinatawag si Ma'am Merlyn sa Principal's office kase nakita nila na may erasure yung grades ko sa Math. Sinabihan na pala ni Ma'am Merlyn si mama na huwag kalimutang ayusin yung grading sheet at palitan na lang ng bago. Nakalimutan kase ni mama nun at sobrang hassle na pagdating ng last grading period at yung pinasa na lang niya is yung original sheet. Nag sorry si mama sa head teacher, sa principal at kay ma'am Merlyn. Syempre alam ko naman na tumatanda na si Mama hindi naman maiiwasan yun eh. And fact, relative ni Arneya yung Principal namin and grandmother niya yung head teacher and nasa public school kami.





"Akala ko kase galit ka sakin. Tsaka heto lang masasabi ko sayo Arneya, hindi ko alam ang nangyari. Kahit na adviser natin si mama eh honest siya gumawa ng grades, walang pandadaya yun. Alam mo naman diba yung results natin sa exams diba? You knew me since kindergarten pa tayo."





"Alam ko naman yun. May tiwala naman ako sa mama mo. Sige out na ko. See you this opening of classes." Tapos nun eh agad na siyang nag out.





Bakit bumabagabag pa rin sa loob ko yung nangyari? Wala naman akong ginawang masama sa kanya, I think. Alam mo naman Lord kung ano ako diba. You know what I'm capable of. Napabuga na lang ako ng hangin. Naisipan ko na lang na hugutin ang broadband sa laptop at ligpitin ang mga ito.





Nasaan na kaya yung anghel na yun? Hindi ko man lang naramdaman ang aura niya these past few weeks. Mukhang tinotohanan na nga niya na hindi na bumalik dito. I sometimes miss his presence kahit na minsan eh naalibadbaran ako sa kanya.





"Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun sayo. Sana eh bumalik ka na GA. I'm sorry for what I've said. I hope Lord you'd tell him." I uttered those words habang nakahiga ako sa duyan. Ramdam ko ang banayad na hangin sa aking balat. Pinag-iisipan ko rin kung doon muna ako sa mundo nila Aria or maghihintay pa rin ako sa tawag ni Azrael na mukhang malabo pa sa pagmamahal ng ex mo yun mangyari. Napakaboring!




Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now