Chapter 26: Still Favored

230 141 47
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

Nasa balkonahe ako ng bahay tumambay. Mag-8 pm na pero wala ako sa mood pumasok sa loob. Naririnig ko na naman ang boses ni Mama na tumatawag sa'kin. Palagi naman sa tuwing tumatambay lang ako sa balkonahe, kung makatawag 'tong nanay ko eh parang nawawala na ko ng isang linggo.


"Mia?! Nasaan ka na ba? Pumasok ka na sa loob. Mahamog na dyan sa labas. Maya-maya matulog ka na rin."


"Opo. Saglit lang po ito. Gusto ko lang makita ang mga bituin at buwan sa langit." Hindi ko na siya narinig pang nagsalita.


"Hey." Tila lumundag ang aking puso nang marinig ko ang boses ni GA. I missed him so much kaya agad ko siyang niyakap. Niyaya niya akong lumabas ng bahay at maupo sa bermuda grass namin.


"Ilang araw kitang hindi nakita. Saan ka ba nagpupunta? Pinag-alala mo ko. May misyon ka ba GA? Samahan kita."sunod-sunod kong tanong dito. Napangiti lamang siya then her facial expression became serious.


"Huwag mo na kong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko Mia. Besides, naisahan lamang ako nung nasa Baguio pa tayo. Don't worry I'll always be careful." He gently pinned my hair behind my ears.


"Bakit ngayon ka lang kase nagpakita? Syempre nasanay ako na nandyan ka kahit na wala ka man lang ginagawa para tulungan ako. At least may taga-cheer man lang sa'kin, but you didn't came. The last time nakalaban ko pa naman si Belphegor ang isa sa mga prinsipe ni Satan. Grabe anlakas pala nun pero syempre nandyan si Lord hindi ako pinabayaan. Ayun, umuwing luhaan na naman si tamad." He's the prince of laziness, ang isa sa seven deadly sins.


"I know. Narinig ko na kila Moira at Tyra. Hindi ko rin nagustuhan iyon. Ano ba kaseng pakay niya sa'yo palagi ka niyang binibwisita! Hindi ka man tinulungan ng mga kapatid mo. Oh by the way, ako na ang magtetrain sa kanila, kaparusahan nila sa hindi pagtulong sa'yo." Napasimangot ako tapos tinanggal ko iyong kamay ni GA na nakahawak sa'kin.


"Ako na kase. Maya-maya matutulog na sila mama at papa at nakahanda na ko para itrain sila. Ayoko naman talaga silang mainvolve sa laban ko doon sa prinsipe ni Satan. Please just let me GA. Parang batang uhugin mo naman akong ituring eh." Napabuntong hininga na lamang siya. He looked me straight in the eye.


"Totoo ba na may nobyo ka na?" kinabahan ako bigla. Bakit ganyan siya makatingin? Feeling ko eh kakainin ako nito ng buhay. Mabuti na lang nakaseal iyong isipan ko laban sa kanya. Napalunok na lang ako ng alanganin.


"O-Oo, sasabihin ko naman talaga sa'yo eh. Naunahan na pala ako nila Ty at Moi. Gusto mo ba siyang makita? Promise mabait naman siya eh tapos mapagmahal pa." Ipinatong ko ang aking chin sa ibabaw ng aking palad. Para tuloy akong nagdiday dream kay Rhyden. Ay shems, hindi ko pa pala siya naimessage.


"Iwasan mo ang lalaking iyon Seraphimia. Hindi ka nararapat para sa kanya because you are a seraphim." Natigilan ako saglit sa sinabi nito. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ang harsh naman ni GA, direct to the point agad.


"I thought you would understand. Kaya gusto ko sabihin pa naman sa'yo na kami na. Para ka ring si mama, she is so strict with me." Napatayo ako at tumalikod na lang.


"This is for your own good. Please understand Mia. Hindi kita pagsasabihan ng ikasasama mo. I'm doing this kase binabantayan kita at ayokong mapahamak ka ng dahil lamang sa isang ordinaryong tao." Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.


"He's not just a mere human. Mahal ko siya GA! Narinig mo ba ang sinabi ko?! Mahal ko siya! Why can't you just understand my feelings? Bakit hindi niyo ko suportahan na lang kung anong meron ako. Kung anong nararamdaman ko para kay Rhyden!"he gently dragged me close to him at niyakap niya ako ng mahigpit.


Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now