Chapter 12:Dispute the Royalties

276 167 108
                                    

This chapter is dedicated to this awesome readers who really made my heart skip a beat. Kinabahan talaga ang aorta, left and right atrium pati ventricle ko sa inyo ng bongga nung unang nag comment kayo. Lol but anyways, thank you sa feedback Rock_Serenade janedyyy



MIA'S POINT OF VIEW

"Grabe pakshet nakakapagod! Alam mo ba na halos ubusin ko na ang enerhiya sa katawan ko para sa pagsasanay mo? Mas matindi ka pa pala sa pitong bugok na 'yon eh." Napasalampak na lamang ako sa damuhan. Akala ko kase tapos na yung pagsasanay ko sa seven archangels, how pathetic to think that I totally forgot that there's this annoying Guardian Angel that would teach my major powers that I mentioned on the first chapter.




"Ayan ka na naman sa kakareklamo. Hindi ko alam kung saan mo namana 'yang ugali na 'yan Mia. Metatron was the kindest and most patient angel I knew. Dapat ganun ka rin eh. Now, let's get back to work. Stand up and concentrate your energy." Napadabog ako ng kaunti. Kakabwiset naman, napapagod na nga ako tapos wala pang tubig, babalik pa agad?! Does it take forever?! Arrrgh!




"I'm reading your thoughts Mia. Huwag mo kong pilitin na igapos kita ng Holy Chain." Tumindig 'yong balahibo ko. That piece of junk felt like I was literally chained in hell. Kapag kase panay reklamo ako nun eh laging ginagapos ako sa holy chain tapos I will utter a lot of promise ng paulit-paulit na hindi ko na gagawin and it will go over and over again. Yung feeling na sobrang hapdi at init na parang matutuklap na yung balat mo pero you wouldn't see the wounds or scar, basta tinotorture ka lang para tumino ka. Ganoon iyon. And next time I will shut my mind na, lagi ko na lang nakakalimutan.





"Fine, huwag mo lang gawin sakin iyon please I'm begging you." Nag puppy eyes ako sa kanya that he wouldn't resist of course. Tapos balik na naman kami sa training.




"This is the last day na tuturuan kita. I hope natutunan mo na lahat ng tinuro ko. Kaya nga pinepwersa kita ngayon para maipakita mo na sakin kung may improvements ang pagtuturo ko sa'yo. Now show me Mia. Let's see what you got."




Lumayo siya sakin and I concentrated myself. There's this hologram of a strong angel that tries to fight me using her powers and it makes real. Kahit hologram siya ay totoong kapangyarihan ang pinapatama niya sakin. Kinopya ko naman ito at na-counter attack ko naman sa kanya. I did absorb and nullify her powers at napakalakas na halos katumbas ang kapangyarihan niya gaya ni Ariel. Mabuti na lamang at hindi na dumudugo ang ilong ko. Hindi na rin ako nanghihina sa kahit maximum and beyond maximum level na ginagawa niya. I gave back her powers na siyang panunumbalik ng kanyang lakas. I've tried to control her powers too and I was stunned. Hindi ako makapaniwala, sobrang lakas ko. I can't believe this is how Metatron was. I hope this time ako naman. Babawi ako sa ginawa niya sakin noon. Although, hindi pa gaanong buo ang mga memories ko.





"That's my girl. I mean mabuti nakuha mo na, now you are ready." Napakamot siya sa ulo. Naku-naku huwag niya akong daanan sa mga damoves niya baka hampasin ko 'to.


Her Secret Identity (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora