Chapter 20: Hit Hard

246 177 64
                                    

TYRA'S POINT OF VIEW

Kakagising ko lang at sobrang sakit ng katawan ko. Paano ba naman eh nakipaglaro ako kahapon sa mga kasamahan ko sa volleyball. Humikab muna ako ng kaunti at nag gargle tapos unimon ng isang basong tubig. That's better.




Ano na kayang ginagawa ni kulot ngayon? Hindi ko man lang napansin sa palayan. Malapit lang kase ang bahay namin sa bahay ng tiyahin ni Moira. Hindi ko tantya kung ilang square meter ang palayan basta iyon na iyon. Importante magkapit-bahay lang kami. Sasakit lang ulo ko kakaisip, pagod pa naman ako.




Anyways, pakamot kamot pa ko ng tyan ko nang makita ko si Alister. Naibuga ko ng alanganin ang iniinom kong gatas, nagtimpla kase ako. How did he find my house?! Wala pa naman akong bra. Nakakahiya!




"You look like a witch Tyra. Pwede ba umayos ka, tsaka ano, kwan,i-iyang suot mo." Napayuko siya sa'kin.




Damn, naalala ko nga, wala pa akong bra at nakasando lang ako. Shet, nakakahiya iyon! Dali-dali akong nagbihis ng itim na t-shirt at black na shorts.




"Ehem, sorry. Hindi ko naman akalain na pupunta ka talaga dito sa bahay. Siyanga pala, anong ginagawa mo dito? Mang-aasar ka na naman ba? Pwes wala ako sa mood and mind you, baka mabugbog ka lang sakin." Lumapit ako sa isang papag at umupo doon. Sumunod naman siya sa'kin.




"Pinababantayan ka sa'kin ng kapatid mo." Tipid na sagot nito na hindi man ako tinapunan ng tingin. Okay? Mia talaga, ginawa pa akong bata.




"Kaya ko ang sarili ko Alister. No need to babysit me, besides kaya ko naman mag-self defense. Marami akong natutunan sa school niyo hindi mo ba naalala? That's why I miss that damn school that much."  Naalala ko tuloy nung nasa school pa kami nila, gosh ibang klase ang mga tactics lalo na sa paglalaro, may halong powers kaya palaging nananalo team namin ni Moira eh kase magaling ako nun tsaka ako yung captain ball at syempre si Moira magaling din naman.




"I know. Matanong ko lang, hindi ba kayo inaano ng sirenang iyon nung wala kami?" nagbubunot naman siya ngayon ng damo. Gawin ko kaya syang alalay dito sa'min nang malinisan din naman iyong bahay.




"Wala naman. Nandun naman kayo ah? Ang weird ng mga tanong mo?" inubos ko na iyong gatas ko tapos napatingin siya sa'kin at napabuntong hininga.




"Mga clones namin yung nagbabantay sa inyo lately. Sumama kami kay Mia para makapagbakasyon, but sad to say we need to go back in here. Masama ang balitang natanggap namin kay Moira." Ay oo nga pala naalala ko, makakalimutin kase ako jusko naman dai.




"Oo, napakaweird talaga ng sirenang iyon! Mas lalong umiitim iyong aura niya every day. Wala bang sinabi iyong mga clone sa inyo? Kaya pala ang weird nila, hindi masyadong kumikibo, nang-aasar pero hindi kagaya nang dati."


Her Secret Identity (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant