Chapter 25: Mission Possible

226 155 48
                                    

MOIRA'S POINT OF VIEW

"Waaaaaah! Nakakaantok naman dito mag-antay Moira!" nag-unat ng konti si Tyra habang nakaupo kami sa itaas ng puno. Nag-aantay kami sa target namin ngayon. Tatlong oras na kaming nagbabantay pero hindi pa rin siya lumalabas sa club na pinasukan nito.





"Kumain ka muna kapatid. Mabuti na lang nagdala ako ng pagkain. Alam ko kaseng magugutom ka. Ako na nag-adjust para sa'yo." Agad na lumiwanag ang pagmumukha ng hampas lupa kong kapatid. Sssh, huwag kayong ano dyan, minsan lang ako manlibre kaya pagbigyan niyo na ko.





"Mabuti naman at nakapagdala ka. Wow! Pitchi-pitchi! Gawa mo ba 'to kapatid! Yiiieh! Salamat!" nilantakan naman niya ang ginawa ko. Napakatakaw talaga parang ayaw pa ko tirhan.





"Hoy, magtira ka naman. Tsaka bibigyan natin si Mia mamaya kapag dumaan tayo pauwi." She rolled her eyes on me. Maldita 'tong bruhang 'to.





"Huwag na. May pagkain naman iyon doon. Tsaka kita mo tatlong oras na tayong nagbabantay dito. Nakakapagod kaya." Sus nakaupo lang naman kami magdamag sa sanga ng puno ah. Ano bang nakakapagod magupo? Gusto ko nga dito mahangin pa.





Nakasuot kami ngayon ng pang-agent na damit. Ang astig 'di ba? We look so stunning and sexy. Si Tyra lang talaga ang medyo choosy at maarte pero napapilit naman namin siya ni Azrael. Wala siyang nagawa kase si Angel of Death ang nag-utos sa kanya. Natakot ito, baka daw kase kunin siya ng maaga.





Hindi na ko mag flashback kung anong nangyari sa'min ni Tyra matapos iyong pag-atake ng demons, k fine mapilit kayo eh chos. Kung naalala niyo pa, nailigtas kami ni Mia laban doon. We fell asleep because of GA's powers. While we were asleep, our memories bring back memories bring back you ang peg namin. Secret na lang muna kung ano, hindi namin sasabihin baka mamaya ipagsabi niyo pa sa iba lalo na kay Venyx. Matanong pa namang pango iyon. Hahaha. Oo pango iyon, huwag ka kumontra.





"Oy! Tulala ka na naman dyan! Palabas na ang target natin." Bumalik ako sa aking present diwa. Aba'y naubos nga ni Tyra ang pitchi-pitchi ko! Bastos talaga hindi man lang nagtira. Tinitigan ko siya ng matalim samantalang nag peace sign lamang ito.





"May utang ka sa'kin bukas. Ililibre mo ko sa canteen." Nagpatalon talon kami sa mga puno habang sinusundan ang babaeng lasing na lasing at pasuray suray sa daan. She's too young to go clubbing. Kasing edad lang naman namin siya but who cares generation nowadays are so mapusok. Sorry hindi ko alam sa English ng mapusok. Bobo kasi si otor.





"Dito na ba natin siya chuchugiin kapatid?" excited na si Tyra. Napa-face palm na lang ako. Kaya kami napapahamak lagi noon eh. Magkavibes kase sila ni Luke. Oops. Haha





"Can't we just wait for her to come home? Gusto mo bang may makakita sa'tin dito?" mas binilisan ko pa ang pagtalon sa mga puno. Sumunod naman sa'kin si Tyra.





"Tss. Wala namang katao tao sa paligid. At kahit may makakita pa sa'tin si Azrael ng bahala doon. Tara na kase para makauwi na tayo agad." Napailing na lang ako. Mabuti na lamang at malapit na ang bahay ng babae.





"Ooh, nice house. Mayaman pala siya. Wala man lang silang yaya or bodyguard? So weird." Bumuntong hininga muna ko dahil sa kadaldalan ni Tyra at pinakiramdaman ang paligid. Kailan ba siya tatahimik? Kumain lang naman siya ng pitchi-pitchi kung ano nang pinagsasabi. Orayt! No demons except inside that freaking house.





"Patulugin mo na ang nanay niya Tyra. I'll make sure no one will come near the house while we are doing something special. Wow English ko talaga iyon? Lasing yata ang otor napadiretso English ko." naalala ko kung paano gumawa ng holy spell to prevent the coming of other demons laban sa gagawin namin sa babae. Mahirap na at paunang misyon namin 'to. Hindi pa kami masyadong sanay kaya nga bukas eh mag-eensayo kami ni Mia how to use our powers.





Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now