Chapter 31: Rewrite Her Stars

174 50 3
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"Uugh. Tulong." Bago mawalan siya ng ulirat sa ilalim ng malagong puno. Oops. Napalakas yata ng pagsipa ko. My bad.



"Aish! Bugbugin niyo iyang anak ni Ma'am Amara! Punyeta ka talagang pakielamera ka!" isa-isa silang nagsisugod gamit ang kanilang mga patalim.



Pero bago iyan, let's rewind. Heto muna ang nangyari. Maikling flashback lang 'to mga bes okay?



"Balita ko may mga estudyanteng nagkakagulo doon sa likuran ng school. May bumubuo ng fraternity din na maghahari-harian daw dito and for sure iyong mga lower sections din daw ang may pakana. Naku, tuwing lunch break, naririnig namin iyong impit na ungol at palahaw ng mga estudyanteng naghe-hazing." Natigilan ako sa sinabi ng isang freshmen student. Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanilang pag-uusap, hindi ko napansin na muntikan na kong mabunggo sa isang poste.




"Hoy, chismosa ka talaga. Pwede mo naman akong tawagin para ako na lang iyong makikichismis sa kanila eh. Okay ka lang?" sinipat sipat pa ni GA ang aking noo. Tinampal ko nga ang OA ha.




"Aba, malay ko kung saan kang lupalop pumunta! Hindi naman sa lahat ng oras eh kailangan kita para sa mga maliliit lang naman na bagay. Alam mo, shoo na! Alis na dyan! Wala na tuloy sila oh! Aish!" iniwan ko na lang siyang nakanganga doon. Baka ano pa magawa ko sa kabuteng anghel. Psh.




Hindi ako umuwi ng bahay. Hindi kase ako mapakali sa sinabi ng mga batang iyon. Kaya napagpasyahan ko na lang munang mag-antay hanggang lunch break. Nasa misyon ngayon ang aking mga kapatid kaya wala sila sa school. Pero don't worry, may mga clones naman silang ginawa para perfect attendance pa rin. Gusto nga ng mga clones na alalayan ako sa gagawin ko mamaya pero syempre maliit na bagay lang naman ito.




Pinuntahan ko na agad ang kuta daw ng mga lower sections na naghe-hazing sa kagubatan. Itong school kase namin ay napapalibutan ng maraming malalaking puno sa likuran bahagi nito. Sa hindi kalayuan din naman may mga kakaunting kabahayan na nakapalibot doon. Wala din naman silang paki sa mga naririnig nila kase syempre tanghaling tapat, nagpapahinga ang mga tao nun.




Nagsigalawan ang mga puno at parang nagsisiyuko ito sa tuwing ako'y napapadaan. Napakamot na lang ako ng batok. Maya maya'y nakarinig na ko ng sigaw sa hindi kalayuan at agad na pinuntahan iyon. Mas pinatalas ko ang aking mga mata at nakita ko nga ang kanilang ginagawang kababuyan sa mga estudyanteng gustong sumali.




Hindi naman sa against ako sa fraternity pero pinagbabawal iyon sa policy ng school and mga bata pa kami. For sure mangagagalaiti na naman ang principal namin if she knows what happened. Aware kaya ang supreme student government council sa mga ganitong nangyayari? Napansin ko rin ang mga babaeng magmemake out?! What the eff! Sa isang iglap ay nasa harapan na nila ako. Hindi ako papayag sa mga ginagawa ninyong walang kwenta. Ipinikit ko ang aking mga mata. A calm wind kissed my cheeks. Ibig sabihin pumapayag ang nasa itaas upang turuan ko sila ng leksyon. Against sa will pala ni Ama 'to. Okay, I'll start.




Bago pa lumanding ang dos por dos na kahoy sa mga paa ng lalaking nakaluhod ay agad ko itong sinipa ng perfect 540 kick. Of course, nageensayo pa rin ako nga mga martial arts na itinuro sa'kin ni Michael noon. Hindi ko pa rin nakakalimutan and mas lalong nag-enchance ang ang aking talino at lakas. Remember, ang mga anghel ang nagtuturo sa mga tao kung ano ang mga nadidiscover nilang kakayahan sa sarili pati mga imbensyon, mapamusika, teknolohiya at kung ano-ano pa, sa utos ng Panginoon. So share ko lang, napalayo na yata ako sa ginawa ko sa lalaking taga-lower section ah.




Back to present na tayo. Parang nag slow motion ang lahat and napansin kong malapit na sana sa aking mga mata ang kutsilyong hawak ng lalaki. Umatras muna ako sa kanya saglit at agad gumamit ng spinning round house kick kung saan umikot ako at malakas siyang sinipa ng 80 to 90 degree angle. Tumilapon siya sa isang malagong puno at medyo nagkaroon ng konting bali iyon. Hindi ko na masyadong nilakasan, hindi ko pa nagagamit ang aking taglay na lakas kase mga tao sila. Lagot ako kapag napuruhan ko sila ng husto.



Her Secret Identity (ON-GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt