Chapter 19: Puppy Love

266 173 65
                                    

Dedicated to Miel_the_fool thank you for voting unexpectedly too. Spread love everyone.



MOIRA'S POINT OF VIEW


Andito ako ngayon kila auntie. Katu-katulong kase niya ako sa lahat ng bagay at the same time eh siya ang nagpapa-allowance sa'kin. Binibigyan din naman ako nila papa at mama. Gusto ko lang talaga tulungan ang auntie ko lalo pa't maliliit pa ang kanyang mga anak except sa panganay niyang topakin, minsan mabait sa'kin minsan hindi, pero syempre pinsan ko pa rin naman siya.




"Moira!"




"Anak ka ng gwapong kabute!" naihagis ko sa kanya ang bilaong puno ng mga gulay. Kagaad ko iyong pinagpupulot sa lupa. 




"I'm sorry, I scared you. Pero on contrary, hindi naman kabute ang tatay ko. Gwapo naman talaga siya pero fairy nga lang." napangiti siya sa'kin. Hindi ko na lang pinansin at baka malaglag ang panty ko dito 'pag nagkataon. Gosh, napakamanyak mo Moira!




"Saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka? I can help you." Inagaw niya sa'kin ang bilao at siya na ang nagbitbit. Ang gwapo talaga ni Edric, super cute pa!




"Ibebenta kase namin nila Auntie ang mga gulay sa bayan. Kakaani lang kasi. Okay lang ba sa'yo? Baka mamaya hindi. Ako na kase nakakahiya." Aakma ko ng agawin sa kanya ang bilao pero pinigilan niya ako. Shet, ang kinis ng kamay, parang babae, tinalo pa ang kamay ko, puro kalyo susmaryosep.




"Napatulala ka na dyan tara na!" hinila na niya ako and agad kaming sumakay sa bike niya, I mean motorcycle.




Sinabi ko na ako na lang bibitbit, but then hinila niya ang right hand ko at pinakapit sa kanyang bewang. Bes, damang dama ko ang kanyang six pack pandesal. Medyo nag-iinit na ang pisngi ko sa kahihiyan. Kyaaah!




"Susunduin na lang kita mamaya. 12 pm right? See you pretty." Ginulo niya ang buhok ko. I was still in great shock nang papalayo na siya. Parang kiti-kiti tuloy ako ditong nakatayo. Kinikilig talaga ako.




"Ate Moi! Bilisan mo na dyan! Tinatawag ka na ni mama!" panira talaga ang bubwit na 'to.




12 pm na nga at tinupad ni Edric ang usapan. Niyaya ko siyang kumain sa bahay ngunit tumanggi lamang siya. Alam ko kase na nahihiya siya kay auntie and the rest of our family. Gumawa na lang ako ng kakanin para ibigay sa kanya mamayang 3 pm. Gusto ko kaseng kamustahin ang kapatid ko, walang iba kun'di si Mia.


Her Secret Identity (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora