Chapter 3: Devil Angel

469 240 123
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"Hmm... kumakain sa isang restaurant ang lalaking 'to. Mamaya na lang. Nakakatamad pa. Masyadong madali." Napag-isipan ko munang maglibot libot sa front beach.





"Tapusin mo na kase at nang makauwi ka na."






Oo nga pala nakalimutan ko. Kasama ko pala ang gagong 'to. Jusko kailan ba ako lulubayan?! Gosh! He's getting into my nerves.





"Alam mo anghel, hindi ka nga pala nakapagpakilala no? Whatever. Pwede ka naman umalis eh. Bakit kailangan mo pa akong sundan dito?" inirapan ko lang siya. Naglalakad kami ngayon sa station 2.





"Hindi kita pwedeng iwanan. Baka mamaya may mangyaring masama pa sayo, konsensya ko na yun at pagagalitan ako sa taas." Grabe naman diz, iba talaga 'pag malakas ka kay Lord. Ay sorry talaga Lord ha? Para naman 'to kila mamshie at papshie, pambayad sa utang namin.





1 am na pala. Masyado akong nadistract at nasiyahan sa mga nakikita ko sa paligid. Kailangan ko ng kumilos baka kase maubos na yung epekto ng pampatulog na tinurok ko kila mama at papa.





Napansin kong pumasok ang lalake sa isang sikat na hotel. Mature naman ang katawan ko, sexy at matangkad kaya malaya naman akong pinapasok ng nagbabantay doon. Napansin ako ng isang front desk associate kaya sinabi ko na boyfriend ko yung lalaking pumasok. Hinayaan na nila ako at inalalayan pa papunta sa room ng lalaki. Iba talaga 'pag mukha kang anghel. Syempre nakasuot naman kase ako ng pandisguise at nakainvisible ang aking black leather suit.





"Nandito na po tayo ma'am. May kailangan pa po ba kayo?" magalang na tanong ng bell boy sakin, kunwari may dala-dala akong bagahe na maliit na bitbit naman niya.





"I'm fine. Thank you for helping me. Here take this." I smiled at him gently. Alam ko kase na kailangan din niya ng kahit konting pera. Mahirap kaya ang pamumuhay dito sa Boracay, sobrang mahal ng mga gastusin, mas mahal pa sa Manila, well according to what I've seen and observed.





"Thank you din po ma'am. Napakabait niyo po. At ma'am, napakaganda niyo po. Mukha po kayong anghel. Swerte nang magiging jowa niyo." Aba magaling din mambola ha, in fairness, gumagana yun.





Tumango lang ako sa kanya and then he walked away. Maswerte nga naman at nakabukas ang pinto. Pumasok na ko agad at sexy na umupo sa isang swivel chair malapit sa balcony ng kanyang kwarto and then I took off my disguise clothes.





"Sino ka? Do you have business with me? How did you get in here?" sunod-sunod niyang tanong sakin. Hinay-hinay lang mahina ang kalaban. Lol



Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now