Chapter 2: Stalker

632 244 195
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"Sa wakas! First day done!" sigaw ng mga classmates ko. Well, hindi naman kase kahirapan yung exam sa hapon.




"Nasagutan mo ba lahat Mia? For sure oo!" siniko ako ni Jovie. Napakamot na lang ako sa batok. Ano pa bang sasabihin ko eh wala. Nahihiya rin naman kase ako sa kanila magsabi ng totoo. Yung iba kase naming mga classmates eh nahirapan sa MAPEH. Napakastrict kase ng teacher ko dun. Hindi naman sa inaapi ko eh Angel pa yung pangalan niya, pero kabaliktaran naman yung ugali nito. Hahaha..




"Tumatawa ka na naman mag-isa dyan. Para kang baliw." Narinig kong sabi ni Moira. Siya ang isa sa mga best friend ko.




"Wala lang. bakit masama ba tumawa? Hahaha!" asar ko pa sa kanya "Mabuti pa tapusin mo na lang pagwawalis dyan no. Malas mo ngayon tapos na ko kahapon. Bleeeeh!" hahabulin niya na sana ako pero nakatakbo ako kay Tyra.




"Oh! Nakakagulat kang babaita ka! Jusko muntik ko ng maitapon 'tong basurahan sa pagmumukha mo! Mag-ingat ka kase!" napanguso ako. Ganyan talaga si Tyra, napakaharsh at boyish pero mahal na mahal ko yan. Dalawa silang mga best friends ko. Since elementary kilala ko na sila pero nasa ibang section sila nun. Ngayon lang kami naging close nung high school na kami.




"Tse! Tapusin niyo na nga yan. Napakabagal niyong dalawa! Magrereview pa ako sa bahay!" galit galitan ko tsaka ako kase magsasara ng classroom namin. At nagsimula na naman silang magbatuhan ng chalk, eraser or kahit anong pwedeng maihagis pwera sa basurahan. Mga sadista talaga.




Curious ba kayo kung ano itsura ni Moira at Tyra? Sige na dahil mapilit kayo eh idedescribe ko nga po 'tong mga kapatid ko. Yes, kapatid ang tawagan naming magkakaibigan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Secret Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon