Chapter 24: Twinkling Twilight

266 177 55
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

December na naman. I can feel the cold fresh air on my skin. Kakagising ko lang at nasa balkonahe ako ng bahay umiinom ng mainit init na gatas. Napansin ko ang mga estudyanteng papasok na ng school. Brrr...lamig nakakatamad pumasok.




"Bilisan mo na dyan Mia, maligo ka na pagkatapos ng mama mo. Malelate ka sa kapabayaan mo eh." Sermon ni papa. Naglilinis siya sa harapan ng bahay namin habang si mama naman ay nasa loob naliligo na. Late na naman kase ako nagising. Tsk.




"Opo, saglit lang 'to. Sobrang lamig naman kase papa eh. Ayoko maligo! Mag-half bath lang ako. Bleeeh!" napatawa na lang ng mahina si papa.




"Ano ka? Kambing? Takot sa tubig? Sige ka, baka sabihin ng mga classmates mo amoy putok ka na." napabusangot ako. Tss.. never ako nagkaroon ng putok sa tanang buhay ko. Like ew, conscious kaya ako sa aking personal hygiene.




Napailing na lang ako kay papa at pumasok na sa loob. Naisipan ko na lang maligo kasi nakakahiya din naman iyon. Hinanda ko na rin ang aking mga gamit sa school saka umalis ng bahay. Pagdating ko naman doon ay agad kaming pinatawag sa room ni Sir Roziel. Ang aga-aga may meeting na naman.




"Ipinatawag ko kayo sapagkat mayroon tayong Supreme Student Seminar and Workshop again at mangyayari iyon sa bayan ng New Washington." Biglang lumaki yata ang tainga ko sa aking narinig.




"Kailan naman po iyon?" I asked excitedly. Napatingin naman sila Winder at Odette na may naniningkit na mata. Nginitian ko na lang ang mga ito tapos nag-peace sign.




"Bukas. December 2 to 3. Handa na ba kayo? Malapit lang naman, isang ferry boat at tricycle lang iyon. Isn't it fun? Sayang din kung hindi kayo sasama. Dagdag extra-curricular activities din iyon sa inyo."




Kung ganoon, makikita ko si Rhyden. Ay ano ba iyan kinikilig ako. Magkikita na naman kami ni crush.




"Ngiti-ngiti mo diyan Mia? You look like a tomato. Masyado kang halata." Kantyaw ni Odette kaya napasimangot ako. Ako na naman pagtitripan nila kase ako iyong bunso.




"Wala. Ayaw niyo iyon, hindi na ko nakasimangot lagi. This is what you want hindi ba?" napa-aww silang lahat. Loko talaga.




"Ok officers, settle down. Basta nainform ko na kayong lahat. Sign the waivers and look at the list na kailangan niyong dadalhin ha? Baka makalimutan niyo. Meeting adjourned."




Tumayo na kami at pumunta sa sari-sariling mga klase. Nakakaboring makinig. Wala man lang bang misyon ngayon? Ilang araw ko na ring hindi nakikita si GA. Namimiss ko na rin siya. Ano na kaya ginagawa ng lokong iyon? Hindi ko pa naman nasabi sa kanya na may crush ako.


Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now