Chapter 21: Payback Time

287 182 61
                                    

This chapter is dedicated to all the pupils and students who have been bullied or hurt by a teacher or students. ❤




MIA'S POINT OF VIEW

Nakauwi na kami ng Aklan. Thank God, dahil wala namang masyadong problema doon sa Baguio lately. Nagkatampuhan lang kami ng ibang members ng council sa maliit lang na problema pero okay na rin naman kami ngayon. Binigyan ko rin ang mga teachers ko ng mga key chains. Iyon lang naman kase ang afford kong ibigay sa kanila. Then also my classmates na mga walang hiya talaga.






"Mia, may long quiz tayo ngayon kay Sir Roziel." Umagang umaga nagulat ako sa biglang pag-banggit sa'kin ng classmate kong si Emily. Nagpanic ako kase syempre history yung subject na iyon. Napakadaming dates and events na kailangang imemorize. At pag sinabing mag-lolong quiz si Sir, naku humanda ka na talaga sa madugong memorization, dahil tiyak sa pinakmaliit na date na akala mo ay babaliwalain niya ay iyon pa pala ang ilalabas sa quiz. Hindi ako sanay na mag-cram. First time ko lang 'to. Bakit hindi kaya gumana ang visions ko ngayon araw? Napakamalas naman talaga! I hate this!






"Mia, may sasabihin ako sa'yo..." busy ako ngayon sa pagrereview nang naistorbo ako ni Daisy. Uminit bigla ang ulo ko so I forcefully let my book down in the table.






"Can't you see I'm studying for the long quiz? Pwede bang mamaya na lang?!" pinandilatan ko siya ng mata and nabigla din ako sa pagsigaw. Bahala na, total mas importante 'tong long quiz kesa sa sasabihin ni Daisy. I saw pain in her eyes, I know I hurt her, syempre mas uunahin ko ang quiz kesa sa kanya and luckily wala ang teacher namin sa first subject which is biology kaya may time akong mag-review. Alam ko na rin ang resulta ng exams namin, I got the highest scores still, hindi pa rin ako satisfied.






Nag-quiz kami kinalaunan. Mabuti na lang at mataas pa rin ang nakuha kong score. Napansin ko ang pag-kagat labi sa'kin ni Arneya. That damn, dark bitch aura of hers. Akala ba niya matitinag ako sa pagtingin niya sa'kin ng ganyang katalim? Akala ba niya hindi ko kagaad malalaman na mag-kuquiz ngayon? Akala ba niya maiisahan niya ako?






Pagkalipas ng ilang araw in-announce na kung sino ang top ten for the Second Grading Period. Expected ko na 'to, na I will be second in class. My classmates became silent, at parang hindi na nila ako kinikibo. Palagi na rin silang sumasama kay Arneya. Every day nangingilabot na ako sa aura nito. Sobrang itim tsaka pati yung mga classmates ko nahahawa na rin. Hindi ko na nakikita ang mga prinsipe ganoon din ang mga kapatid ko kaya naisipan kong hanapin at kamustahin muna sila mamayang hapon after class.






"I'm so disappointed with you Mia. Tinanong ko ang teacher mo sabi niya raw eh mababa ang mga quizzes mo kaya ka hinatak pababa. Point 25 na lang ang kinalamang niya sa'yo. Paanong hindi mo naabot iyon? Gaano ba siya kagaling sa'yo Mia? Puro ka kase lakwatsa. Hindi ka nag-aaral ng mabuti! Hindi kita bibigyan ng cellphone kapag ganyan ka!" nasa hapag kami kumakain ngayon nila papa at mama. Nagpanting tuloy ang tenga ko kaya nahampas ko ng medyo malakas ang mesa at napatayo.






"I've studied so hard Ma! I did my very best mum! Lahat na lang ginagawa ko para lang sumaya kayo ni papa. Hindi pa ba sapat sa'yo ang pagiging second place ko? I'm still on the top ten Ma! What if God's will talaga iyan? Kahit kailan Mama, you will never be proud of me! Bakit hindi niyo itanong at usisaing mabuti sa lola niya ang pag-compute ng grades ko? I know sila ang tunay na sumabotahe sa'kin. Periodical exams have higher percentage compared to those stupid quizzes! Hindi nga kami halos nag-quiz sa kanya! Hindi nga siya nagtuturo ng mabuti!" punong puno na kase ako. Hindi ko pa rin matanggap na nagkaganoon. My mom slapped me so hard. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng bahay. I saw GA followed me from behind. Alam kong pagsasabihan na naman niya ako.






Her Secret Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon