Chapter 9: Preparation

309 185 122
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"Rise and shine everyone! I made breakfast! Grabe andaming pagkain sa ref. Yum!" rinig ko ang pagkalampag ng mga pinggan, kutsara at kubyertos na hinahanda ni Moi para sa aming tatlo. Niligpit ko ang aking higaan then inaayos ko na ang aking mukha. Ayokong makita nila na haggard at mukhang dinaanan ng bagyong Ursula ang mukha ko.




Naalala ko ang nangyari nung isang araw. Napatay ko si Kuya Kerr. Sa tindi ng galit ko sa kanya eh tinapos ko ang kanyang buhay. Hindi ko naman sinasadya yun pero kailangan kong gawin. Nakokontrol ko na ang kapangyarihan ko ng maigi. I was once his childhood friend, cousin and sister dahil pareho kaming only child. Memories flashed as I closed my eyes.



Flashback


"Miaaaaa! Ang hina mo naman sa takbuhan! Habulin mo kase ako! Bilisan mo pa! Hahaha!" said by little Kerr. He was running so fast that the little Mia can't catch him.




"Bagalan mo kase kuya! Alam mo namang babae ako, palaging ako na lang yung taya! Magparaya ka naman, this is so unfair!" napahinto ang batang si Mia at sumalampak na lang sa Bermuda grass. Nasa harapan ng bahay ni Kerr sila naglalaro at kakauwi nila Mia galing bayan kase weekend ngayon. Doon sila lagi namamalagi sabahay ng nakakatandang kapatid ng mama ni Mia si Onyx ang papa ni Kerr.





"Heto naman suko kaagad. Halika nga dito maglaro na lang tayo ng teks. Marunong ka ba? Tsaka may mga gagamba ako dito." pinakita ng batang Kerr ang isang box ng posporo na may lamang mga gagamba at dahil dun eh namangha si Mia sa nakikita gusto niya rin magkaroon ng ganun.





"Ayaw naman kase ako payagan ni mama kuya. Tsaka tingnan mo oh, inaatake na naman ako ng allergy kakalaro natin sa damuhan. Papagalitan na naman ako nito mama kase magkakamot na naman ako hays." Inaayos ni Kerr ang buhok ng kanyang pinsan at napangiti ito. Hindi niya maiwasan na panggigilan at kurutin sa pisngi kaya napahiyaw si Mia sa sakit.





"Kuya Kerr! I hate you! Waaaaaah! Mama si Kuya Kerr kinurot ako sa pisngi! Tapos yung mata niya binabaliktad niya yung eyelids! Nagiging kulay pula! He's a freaking monster!" sigaw at sumbong ng 5 year old little Mia. Palabasa kase ang batang si Mia kaya alam na niya ang mga eyelids at freaking monster. She was weird too because she doesn't like any other toys that much instead she likes books and reading.





"Kerr, ano na naman bang ginagawa mo sa pinsan mo? Ikaw talagang bata ka. Halina kayo at magmeryenda. Alam kong pagod na kayong dalawa kakalaro dyan." Dumating ang Mama ni Mia at si Mama Lulu ni Kerr upang magdala ng kakainin nilang lahat. Napansin ni Mia na pinandilatan siya ng Mama ni Kerr. Kaya napayuko ito.





Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now