Chapter 1: The Teacher's Daughter

807 265 146
                                    

MIA'S POINT OF VIEW

"Mia! Bangon na! May exam pa ngayon. Nakapagreview ka ba? Sabi ko sayo magreview ka during 4-5 am."



Napaunat ako sa higaan. Ako na lang pala dito. Sobrang aga laging gumising 'tong si mama nakakainis. Agad ko ng niligpit ang aming higaan. Oo magkatabi kami ni mama sa bed. Mama's girl kase ako. Naamoy ko na ang nilulutong ulam ni papa sa kusina.



"Ma, nakapagreview na po ako kagabe and the past few weeks. Ayokong magreview ng madaling araw, alam mo naman diba na kahinaan ko yun. Nakakaantok kaya." Kusot-kusot ko pa ang aking mga mata. Andamig muta. Joke. Napasubsob ako sa lamesa, inaantok pa ko buyset ano ba yan.



"Seraphimia Metatronvenyx Prado Laveda! Umayos ka na at kumain na dyan! Gusto mo ba talagang magpalate or papaluin kita! Faster! Hindi mo ba naririnig ang first bell?!" napabalikwas ako sa lamesa. Iba talaga pag magalit to'ng si Ma'am Amara.



"Yes Ma'am Amara! Heto na po."



Mabilis kong tinapos ang pagkain na hinanda ni papa. Naligo, nagtooth brush at nagbihis. Hindi ko na inantay si mama kase malelate na talaga ako.



"Oh hetong baon mo. Galingan mo mamaya sa English ha. Hindi lang sa English sa lahat ng subjects." Binigay ni mama sakin ang isang bente pesos. Hindi na ko nagreklamo pa at tinanggap ang binigay niya sakin.



"Opo. Alam niyo naman po ako. Bilisan niyo na dyan. Malelate ka na rin. Baka makasulubong mo pa yung principal natin ma." Bilin ko sa kanya. Tumango lamang siya at pumasok na sa CR para maglinis nito at maligo after. Daily routine na iyan ni mama lagi.



At oo. Siya ang adviser ko. Saktong sakto last year nilagay siya as adviser ng star section at sakto din dun naman ako lagi. Since elementary, nasa main section ako, walang palya yun hindi naman sa pinagmamalaki ko yan. Isa din akong honor student since kindergarten. Mula kinder to grade 4 eh first honor ako, tapos nung grades 5 to 6 eh salutatorian na ko. May sumabotahe kase, buti hindi ko na pinatulan baka saan pa siya pulutin. Oops...



"Miaaaa! Bilisan mo! Malapit na mag second bell!" sigaw ng classmate kong si Daisy. Hindi ko pala namalayan nasa school na pala ako.



"Oo na nga eh. Pasensya na kayo guys, late ako nagising." Habang inaunlock ko yung padlock sa kwarto ni mama.



"Ok lang yan. Nagrereview rin naman kase kami kanina habang wala ka pa. nakapagreview ka na eh. Ikaw pa sus!" kantyaw naman ng isa kong classmate na si Cherry. Napansin ko nga ang mga classmates kong busy na nagrereview. Nakatayo lang sila sa gilid ng mga pader at yung iba malapit sa may pinto ready ng pumasok.

Her Secret Identity (ON-GOING)Where stories live. Discover now