Chapter 1

1.5K 52 1
                                    

Nagtagal ang titig ko sa isang picture frame na nakalagay sa gitna ng kuwarto ko.

It was a picture of my parents and me when I was one year old. My mom was carrying me in her arms while sitting on a high chair and my dad was behind her embracing us both.

"Earth to Raegan?!"

Naputol ang pagtitig ko roon nang matigilan dahil sa boses ng nakababatang kapatid. Bumaling ako kay Reign dahil sa pagtaas ng boses nito sa akin. Bahagya itong umatras nang magsalubong ang mga mata namin. Lumunok ito saka nag-iwas ng tingin.

"How old are you again?"

Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib habang nakatunghay kay Reign sa harap ko.

"S-Six."

Nakayukong sagot nito.

"Don't you think it's inappropriate to yell at someone who's older than you?"

Lumabi ito at humalukipkip.

"I keep on talking and talking, but you won't listen kasi!"

Bumuntong hininga ako at tinalikuran siya. Naglakad ako palayo at inayos ang mga librong nagkalat sa study table ko.

Reign is my half-sister. After my mother died, my father remarried. Lumaki ako sa poder nina Mamita at Dada simula nang mawala si Mommy eight years ago. They are my father's parents. Since then, doon na ako sa mansion ng mga Castañeda namalagi. Pumupunta punta lang ako rito sa bahay kung may kukuning gamit o kapag talagang kailangan.

"So as I was saying, I want you to be here on my seventh birthday."

Reign started talking again. Hinayaan ko siyang isa-isahin ang mga gusto niyang mangyari sa birthday niya na narinig ko naman na kanina.

Umalis ako palayo sa study table at naglakad papunta sa mini bookshelf ko sa kuwarto. Namili ako ng iuuwing libro sa kanila Dada. Reign tailed behind me.

"Raegan! Can you listen to me just for a second?!", Reign snapped. I caught a tone of irritation in her voice.

"Why? Your party won't push through if I won't come?"

I answered her question with a question as I walked past her and back to my table. Sumunod ulit ito sa akin.

Nilagay ko sa backpack ko ang limang libro saka hinarap ang nakangusong si Reign.

Reign and I aren't really close. We are siblings but we grew up separately. Before she was even born, I moved out of the house to live with my grandparents. Not that my father minds it though. Naging pabor pa nga siguro iyon sa kaniya para masolo nila ng bagong pamilya niya itong bahay.

"You didn't come to my sixth birthday and my fifth birthday and my fourth birthday and my third birthday and my second birthday and my first birthday too! You never came to my birthday parties!"

Pagmamaktol na turan ni Reign.

Sinarado ko ang bag saka nag isip kung ano pa ba ang kailangan kong kunin bago umalis. Nang masigurado na naisilid ko na lahat ng kailangan, nagsimula na akong maglakad palabas ng kuwarto.

"Raegan!"

Hindi ko siya pinansin at hinintay lang na lumabas na siya ng kuwarto para masarado ko ang pinto.

Pagkalabas niya ay saka ko kinandado iyon at dumiretso sa hagdan.

Mabilis itong sumunod sa akin. Reign reaches for my hand for support as we go down the stairs. Hinayaan ko itong humawak sa kamay ko habang bumababa kami.

Habang pababa, hindi ko naiwasang ilibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay.

A lot has changed. The house undergo a complete renovation since my father built a new family.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon