Chapter 20

536 24 1
                                    

Hindi doon natapos ang bangungot ko kinabukasan.

Daddy confiscated all my gadgets. I'm all locked up in the mansion. Hindi ako pwedeng lumabas at magpapunta ng kahit sinong bisita. Nagulat nalang ako na paggising ko kanina ay wala na ang cellphone ko, ang laptop, ang iPad. Nang magtangka akong lumabas para sa usapan namin ni Levi, nagulat ako nang may mga guards na nakapalibot sa mansyon at hindi ako pinalabas.

Kahit si Kuya David ay hindi na ako pwedeng ipagmaneho kahit saan.

"What the hell is happening?"

Naiirita kong tanong nang makita ko si Ate Lala.

Wala si Mamita at Dada sa mansyon. Isinugod si Mamita sa ospital dahil inatake ito ng high blood pressure kagabi pa. Si Dada ay kasama raw ni Daddy kung saan.

"Hindi ko rin alam, Raegan. Nagulat na lang din kami paggising namin na biglang pinapalibutan ng reporters itong mansyon. Kanina lang sila pinaalis nang tumawag si Don Ricardo ng security. Hindi namin alam kung paano sila nakapasok dito sa village. Galit na galit ang Don lalo na nang nagpumilit sila na pumasok sa mansyon kanina."

Nagsalubong ang kilay ko.

"Give me your phone."

Nag aalangan si Ate Lala na tumingin sa akin.

"Pero Raegan pinagbawalan------

"I hate not knowing anything! Wala akong pasensyang maghintay lang dito habang hindi ko alam ang nangyayari! I need to talk to Dada!"

Walang nagawa si Ate Lala. Binigay nito sa akin ang cellphone nito.

Imposibleng dahil lang kagabi ay naging ganito ang bungad sa akin kinabukasan.

Habang dinadial ang numero ni Dada, binuksan ko ang TV para manood ng news. Kahit pinagbawalan din ako ni Ate Lala na gawin iyon ay nagmatigas ako.

Patuloy sa pagring ang numero ni Dada, hindi nito sinasagot ang cellphone.

"Ang sikat na modelong si Aubrey Ricafort ay nagfile ng annulment case sa asawa nitong si Nicholas Salvedra. Ang rason umano ng hiwalayan ay dahil sa isang Business Magnate na galing din sa tanyag at kilalang pamilya sa bansa..."

Kunot noo akong nilipat sa ibang channel ang pinapanood.

What are these damn celebrity scandals?

"Pinangalanan na ang dahilan ng hiwalayan ng sikat na modelo at ng doktor nitong asawa. Lumalabas na ang kasalukuyang President at CEO ng Castañeda Corporations na si Richard Castañeda ang itinuturong dahilan..."

Mistula akong nabingi sa narinig at mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

Nilipat ko ulit iyon sa ibang istasyon ng balita na parang niloloko ko na ang sarili.

"Sabado ng alauna trenta ng madaling araw, nabangga ng isang rumaragasang truck ang sinasakyan ng Business Magnate na si Richard Castañeda. Sakay nito ang usap usapang kinakasama na modelong si Aubrey Ricafort. Kritikal ang lagay ng modelo habang ang businessman ay----

Pinatay ko ang TV dahil sa napanood.

Nanlalamig ang mga kamay kong nabitawan ang remote.

H-How come?

He was here last night. He even came here last night to see me!

"Hello?"

Sumagot si Dada sa tawag.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.

"Carmela bakit ka tumawag?", tanong nito sa pag-aakalang si Ate Lala ang nasa kabilang linya.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon