Chapter 21

548 25 0
                                    

Ilang araw ang lumipas. Ilang araw na rin akong nakakulong lang sa kuwarto ko. Nakaalis na ng bansa si Reign at Tita Sarah para hindi madamay ang kapatid ko sa issue na kinakasangkutan ng ama.

Walang nagawa si Dada nang sabihin kong hindi ako sasama.

Sa ilang araw na iyon, nalaman ko na nasa ospital pa rin si Aubrey Ricafort dahil sa mga injuries na natamo. Habang si Daddy, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya.

There are lots of investors who cut their connections with our company because of the scandal. The company is currently in uncharted waters because of it.

The issue was hardly taken down since it already spread like wildfire by being broadcasted on a national TV network. Still, my Dad desperately managed to silence the media to not air the news again.

Bumukas ang kuwarto ko. Pumasok si Mamita. Nakauwi na ito galing sa ospital ngunit bahagya pang mahina.

Lumapit siya sa higaan ko.

"How are you, Hija?"

Mahinang kumusta nito sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinaplos iyon.

"Levi visited me at the hospital."

Panimula nito. Nakuha niya ang atensyon ko.

"May usapan pala kayong magkikita nung nakaraan. That poor boy. He waited for you, but because of what happened, he waited for nothing."

Napayuko ako nang maalala si Levi. Nag iwas ako ng tingin kay Mamita habang nakasandal sa headboard ng kama.

"I texted him. Sinabi ko na nasa ospital ako. Pinuntahan niya ako agad para kumustahin ka. He dared to visit you pero mahigpit ang mga guards na pinadala ng Daddy mo. He wants to see you before he flies abroad."

Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin...

"Levi decided to study abroad?"

Tumango si Mamita.

"Saka ko lang din narinig kay Leonardo na utos ni Vince na sa abroad mag-aral itong si Levi. Tatapusin pa sana niya ang summer dito. Kaso si Vince na raw mismo ang nagsabi na umalis nang maaga ang panganay niya. Ang batang iyon nga lang, ayaw umalis nang hindi nakakapagpaalam sa'yo."

"But I can't---

"Ssh. I'll help you."

Bulong ni Mamita sa akin.

"It's the least thing I can do for you, hija."

I forced myself to smile and nod. Mamita weakly hugged me.

"Thanks, Mamita.", I silently mumbled.

I felt her smile from my shoulder.

"Anything for you sweetheart."

Alas dyes ng araw na iyon, lulan na kami ng sasakyan. Sumama si Mamita sa akin. Nakasakay kami sa sasakyan na minamaneho ni Kuya David. Nagdahilan si Mamita kay Daddy na magpapasama sa akin magpacheck up. Pero ang totoo, iiwan ako ni Mamita kay Levi mamaya bago siya pumunta sa ospital. Babalikan na lang ako nito pag uwi.

Mamita called Levi earlier dahil wala pa rin akong cell phone. Magkikita kami ngayon sa isang bagong parke sa bayan. Malapit iyon sa ospital na pupuntahan ni Mamita.

Pagkarating namin doon, nakita ko nang nakapark ang itim na sasakyan ni Levi sa di kalayuan. Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya habang pasulyap sulyap sa orasan.

It felt like my heart is about to jump off my chest the moment I saw him again.

Lumingon ako kay Mamita. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon